• May 17, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

SIMBAHAN BILANG NEUTRAL AT PARTISAN

ANG simbahan  bilang non-partisan ay hindi tulad ng pagiging neutral ayon sa opisyal ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) matapos magpahayag ng hindi pag-apruba para sa mga kandidato sa pulitika na “magnanakaw” at “sinungaling.”

 

 

“Is the Church being neutral by being non-partisan? I guess people have to understand that being non-partisan is not the same as being neutral,” sinabi ni Fr. Jerome Secillano, CBCP’s public affairs committee executive secretary, sa  Facebook post noong Huwebes

 

 

Sinabi ng pari na ang simbahan ay naging matapang sa pagpapahayag ng kanilang paninindigan laban sa kasamaan, kawalang-katarungan at kasinungalingan.

 

 

“She is against evil. She is not neutral,” sabi ng pari.

 

 

Ayon sa opisyal ng  CBCP, ang pagiging non-partisan ay nangangahulugan na ang katapatan ng simbahan ay maaring sa kandidato o anumang political party pero para sa mga tao.

 

 

Sinabi pa nito na  “marami ang nagpapagulo sa pagkakaibang ito at ginagamit ang simbahan para isulong ang kanilang agenda, para suportahan ng institusyon ang kanilang kandidato.”

 

 

“It is hypocritical to say that their candidate is the only best hope for the people. I say, let the people decide who to them is the best after being guided, formed and informed through a series of discernment,” wika ni Secillano.

 

 

Dagdag pa ng pari na ang katapatan ng mga klero ng Simbahan ay “nasa institusyong tumatawag sa atin sa isang buhay ng paglilingkod.”

 

 

“We should never allow ourselves to be used as tools for partisan politics. Our personal choice doesn’t make us political tools, especially, if we keep them privately,” dagdag ng pari.

 

 

“To be neither neutral nor partisan, my principle is clear; no to incompetent, unjust and self-serving politicians. No to thieves and liars too!” giit niya.

 

 

Para kay Secillano, ang simbahan ay “dapat magpatuloy sa pagbuo ng mga konsensya para sa isang mature na pampulitikang pagsasanay ngunit ipaubaya ang pag-endorso sa mga tapat na Lay.” (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • Meralco may 5 malaking pambabakod kay Fajardo

    INAASAHAN na ng marami na mabibigyan  ng contract extension si Raymon ‘Jammer’ Jamito sa Meralco dahil sa impresibong pinakita sa 45th Philippine Basketball Association 2020 Philippine Cup bubble sa Angeles City.   Namemeligro naman si Siverino ‘Nonoy’ Baclao Jr. dahil hindi nakapaglaro sa Pampanga bubble na naipit sa pag-lineup sa kanya noong isang taon at […]

  • DOLE NAGHAHANAP NG PONDO SA 2 LINGGONG QUARANTINE

    NAGHAHANAP na ang Department of Labor and Employment (DOLE)  ng pondo upang matulungan ang mga manggagawang apektado ng  dalawang linggong Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa  Metro Manila.     Sinabi ni Labor Usec. Benjo Santos Bemavidez sa Laging Handa briefing na hindi pa natutukoy ng ahensya kung gagamitin nito ang available na  badyet o humingi […]

  • PDu30, napanatili ang mataas na approval, trust ratings

    NAPANATILI ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang “high approval at trust scores” sa third quarter habang papalapit na ang election season sa Pilipinas.   Ito ang lumabas sa third quarter survey ng political consultancy firm.   Ayon sa PUBLiCUS Asia Inc.’s Oct. 11 to 18 poll, nakapag- rehistro si Pangulong Duterte ng overall approval rating […]