• April 16, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Simbang Gabi puwedeng ganapin sa mga gymnasiums, iba pang malalaking venues

Dahil sa inaasahang pagdagsa ng mga mananampa­lataya sa mga simbahan sa tradisyunal na Simbang Gabi, nagtakda ng mga pagbabago ang Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) kabilang ang pagsasagawa ng naturang misa sa mas malala­king mga venues tulad ng mga gymnasiums.

“Sa Simbahan 30 percent lang ang ina-accommodate na mass goers kaya pwede sa gymnasium ‘yan,” ayon kay Fr. Jerome Secillano, Executive Secretary ng Committee on Public Affairs ng CBCP.

 

Sinabi ni Secillano na kailangang magkipag-ugnayan ng Obispo o ang kura paroko ng isang lugar sa kanilang lokal na pamahalaan para makahanap ng mas malaking venue kumpara sa simbahan para pagdausan ng Simbang Gabi at upang mas marami ang makadalo. Isa lamang ito sa pagbabago na gagawin ng mga simbahan. Sinabi ni CBCP president at Davao Archbishop Romulo Valles na epektibo lamang ito habang mayroon pang pandemya. Kasama sa mga pagbabago ang pagsasagawa ng novena Masses o Simbang Gabi ng alas-6 ng gabi habang ang huling Misa de Gallo ay maaaring isagawa ng alas-6 ng umaga at maaaring dagdagan depende sa rami ng mga dadalong Katoliko.

 

“Meron po tayong December 25 na misa. Pwede naman po ‘yang madagdagan dahil ‘yan po naman talaga ‘yung Pasko ng Kapanganakan. ‘Yun pong mga tao usually duma­dagsa naman po ‘yan kaya si­gurado po ‘yung mga Simbahan mas magdadagdag pa parang Sunday schedule po tawag namin diyan,” ayon kay Valles.

 

Hinihikayat pa rin naman ng simbahan ang mga Katoliko na hindi makadadalo sa Simbang Gabi na magmisa sa loob ng kanilang bahay sa pamamagitan ng ‘online mass streaming.’

Other News
  • DOH: ‘Karamihan ng namamatay sa COVID-19 sa Pilipinas, edad 60-69’

    Nilinaw ng Department of Health (DOH) na hindi nagbago ang demographics o populasyon ng mga namamatay dahil sa COVID-19 sa bansa.   Pahayag ito ng ahensya matapos lumabas ang ulat tungkol sa ilang kaso ng COVID-19 deaths sa mga kabataan.   Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, nasa hanay pa rin ng matatanda at […]

  • Senator-elect Francis Escudero, ikinokonsidera ang Senate presidency bid – Tulfo

    IBINAHAGI ni Senator-elect Raffy Tulfo na ikinokonsidera umano ni Senator Francis “Chiz” Escudero ang Senate presidency.     Ayon kay Tulfo, tinawagan niya si Escudero para tanungin kung may balak itong tumakbo para sa mataas na posisyon sa Senado. Aniya, pinag-iisipan pa ni Senator Escudero hinggil sa naturang usapin.     Isiniwalat din ni Tulfo […]

  • ‘Shazam 3’ Could Happen After ‘Shazam! Fury of the Gods’ Sets Up Its Potential Story and Characters

    HERE is everything known about Shazam 3’s status, release date, story, cast, and more updates.     The Shazam franchise continued in 2023 with the release of Shazam! Fury of the Gods in March. Directed by David F. Sandberg and written by Henry Gayden and Chris Morgan, the second entry in the franchise stars Zachary […]