• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Simon isinabit na ang playing jersey

DAHIL sa paglagay na ng Magnolia Chicken sa kanya sa unrestricted free agent, ipinasya ni Peter June ‘PJ’ Simon na magretiro matapos ang 17 taong paglalaro sa Philippine Basketball Association (PBA).

 

Para tipid, sa social media na lang pinarating ng beteranong basketbolista ang kanyang saloobin.

 

Iginiit ng 40 taong-gulang, may taas na 5-11 at tubong Makilala, North Cotabaro, na hindi niya inakalang makakarating sa liga at mag-iwan ng marka.

 

“Nakakalungkot man pero ito na siguro ‘yung tamang panahon para magpaalam sa liga,” litany ng shooting guard. “Kinailangan kong umuwi ng Davao nu’ng magkasakit at namatay ang father ko at nahirapan na rin akong makabalik dahil sa pandemya. Sign na rin siguro ‘yun na ito na ‘yung tamang time para magretiro.”

 

Hinirit pa sa pamamaalam ng ‘Super-Sub’ ang kanyang pagpokus na sa kanyang nakatakdang mnabuong pamilya.

 

“My wife is pregnant and gusto ko magkasama kami as we start a family. Sobra-sobra ang mga biyayang natanggap ko sa buhay ko especially sa aking PBA career at pinapasalamatan ko ng buong puso ang Panginoon.

 

Naging sandalan ko ang Diyos sa bawat desisyon na aking tinatahak at pinapalangin ko na lagi akong gabayan ng Panginoon sa aking paglalakbay,” lahad ng eight- time professional cage league champion at 8-time All-Star.

 

Pinasalamatan din niya ang kanyang mga boss sa San Miguel Corporation, coach, teammate, staff at management, Magnolia franchise at liga.

 

Huli niyang binaggit ni Simon: “Umaasa ako na magkikita-kita tayo sa panahon na iretiro ang aking numero 8 na uniform. This is PJ Simon, The Super Sub, Your Scoring Apostle, signing out.” (REC)

Other News
  • Pagtaas ng kontribusyon ng Pag-IBIG Fund members posibleng sa taong 2022 na

    POSIBLENG sa 2022 maimplementa ng Pag-IBIG Fund ang dagdag na P50 sa buwanang kontribusyon ng kanilang miyembro.   Sinabi ni Pag-IBIG Fund chief executive officer Acmad Rizaldy na nakausap na niya ang mga stakeholders at pumayag umano ang mga ito.   Isa kasing itinuturong dahilan ng pag-antala ng increase ay dahil sa epekto ng COVID-19. […]

  • Sara Duterte-Carpio, ‘klaro’ na ‘di tatakbo sa ilalim ng PDP-Laban — Cusi

    Malinaw sa mga ­naging pahayag ni Davao City Mayor Inday Sara Duterte-Carpio na hindi siya tatakbo sa ilalim ng PDP-Laban, ayon kay Energy Secretary Alfonso Cusi na pinuno rin ng partido.     Inihayag ito ni Cusi sa gitna ng mga ­ispekulasyon na ipapalit ito kay Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa na pambato ng partido […]

  • 4 drug suspects tiklo sa P.2M droga sa Valenzuela

    LAGLAG sa selda ang apat na hinihinalang drug personalities matapos makuhanan ng mahigit P.2 milyong halaga ng droga nang maaresto ng pulisya sa isinagawang buy bust operation sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi.     Sa report ni District Drug Enforcement Unit (DDEU) chief P/Major Jeraldson Rivera kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito […]