• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Simula ngayong Nobyembre: DepEd, pinayagan ang 52 public schools na ipagpatuloy ang blended learning

PINAYAGAN ng Department of Education  (DepEd) ang naging kahilingan ng  52 public schools na ipagpatuloy ang blended learning methods sa kabila ng naging kautusan ng departamento na pagpapatuloy ng face-to-face classes simula ngayong buwan ng Nobyembre. 
May ilang eskuwelahan kasi ang tumaas ang bilang ng mga estudyante  habang nagkulang naman ang mga silid-aralan.
Hinihintay naman ng  DepEd Central Office ang report mula sa mga rehiyon para  madetermina kung ilan pa ang mga eskuwelahan na magsasagawa ng blended o full distance learning.
“We want to bring the learners back in school but we have to bring them back safely also so that is why under the mandatory DO, we also provided room for exemption depending on the situation,” ayon kay  DepEd spokesperson Atty. Michael Poa.
“As the Vice President and Secretary for Education Sara Duterte has mentioned, we are now studying also the possibility of institutionalizing blended learning. Baka isa po yan sa magiging solution natin sa mga shortages natin ngayon,”  winika pa ni Poa.
Samantala, maaari namang alisin na ng mga estudyante at guro na dumadalo sa face-to-face classes  ang kanilang face masks kahit pa sa loob ng silid-aralan  matapos na ihayag ng DepEd na sumusunod sila sa umiiral na national policy na pinapayagan ang  optional masking indoors at outdoors sa gitna ng COVID-19 pandemic.
“Since this is voluntary, mapapansin din naman natin kahit yung mga bata parang sanay na rin na may masks so ang bilin natin ay magmask pa rin, hindi naman siguro paglabag yun,” ayon kay DepEd NCR director Dr. Wilfredo Cabral. (Daris Jose)
Other News
  • Roque, inaming nasa labas na ito ng Pilipinas

    Kasunod ng pag-amin ni dating Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque na pumunta siya sa Abu Dhabi, inamin din niyang nananatiling wala siya sa Pilipinas.       Sa pulong balitaan ngayong araw, natanong si Roque nasa labas pa rin siya ng Pilipinas o kung nakabalik na siya sa bansa.     Sagot ni Roque, nasa […]

  • Espiritu 4 Fil-Am sa Online 36th PBA Rookie Draft 2021

    ISA sa mga inaasahang patok sa nakatakdang Virtual 36th Philippine Basketball Association Rookie Draft 2021 sa Marso 14 ay si Troy Rike at ang tatlo pang kapwa niya Filipino-American.     Ito ang ipinahayag kamakalawa PBA players agent Marvin Espiritu, hinirit na bukod sa 6-foot-8 cager na produkto ng Wake Forest  University sa USA at […]

  • Natawa ang aktor nang hiritan kung ‘gipit na gipit’ ba sila: MARIAN, proud na proud sa mga achievement ni DINGDONG

    PROUD wifey ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera. Kasama ito ni Dingdong Dantes sa ginanap na contract signing sa partnership between Dingdong.ph at RiderKo. Ayon sa Instagram post ni Marian, “Cheers to my amazing husband! Your passion and dedication to work is truly inspiring. I am in awe in your hard work and […]