• December 26, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Simula Oktubre 1: Lanao del Sur, isinailalim sa MECQ; Metro Manila, mananatili sa GCQ

INILAGAY ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Lanao del Sur kabilang na ang Marawi City sa ilalim ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) simula Oktubre 1 hanggang Oktubren 31, 2020.

 

Habang ang Iloilo City ay inilagay naman sa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ) simula rin sa Oktubre 1.

 

Matatandaang, inilagay ng mga miyembro ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang Iloilo City sa ilalim ng MECQ, at mananatili ito hanggang Setyembre 30, 2020.

 

Sa kabilang dako, mananatili naman ang Metro Manila sa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ) classification.

 

Ang iba pang lugar sa ilalim ng GCQ ay Batangas para sa Luzon; Tacloban City at Bacolod City para sa Visayas; at Iligan City para sa Mindanao.

 

Ang natitirang bahagi naman ng bansa ay isinailalim sa Modified General Community Quarantine (MGCQ).

 

Ang bagong risk-level classifications ay epektibo simula sa araw ng Huwebes, Oktubre 1 hanggang Oktubre 31, 2020. (Daris Jose)

Other News
  • Eumir Marcial nakahanda na para sa laban sa US boxer na si Steven Pichardo

    PINAGHAHANDAANG  mabuti ni Olympic medalist Eumir Felix Marcial ang kaniyang susunod na laban kay American boxer Steven Pichardo.     Gaganapin ang six-round middleweight fight sa Carson, California sa Oktubre 9.     Sinimulan na nito ang kaniyang training camp noon pang nakaraang mga buwan sa Las Vegas.     Ilan sa mga naging sparring […]

  • Ads August 4, 2021

  • Nadisgrasya ng paputok pumalo sa 75 bago Bagong Taon 2024 — DOH

    NADAGDAGAN ng 23 ang kaso ng fireworks-related injuries sa bansa ilang araw bago magtapos ang taong 2023, ayon sa pinakahuling taya ng Department of Health (DOH).     Sa 23 na bagong kaso, sinasabing edad 6-anyos hanggang 55 taong gulang ang mga nadisgrasya. Narito ang itsura ng mga biktima: lalaki: 20 babae: 3 naputukan sa […]