Solons sa LTFRB: Kaawaan ang mga traditional jeepney drivers sa gitna ng COVID-19 pandemic
- Published on August 3, 2020
- by @peoplesbalita
Hinimok ng mga miyembro ng minorya sa Kamara ang Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) na ikonsidera ang sitwasyon ng ilang libong traditional jeepney drivers sa ilalim ng kanilang public transport modernization program.
Umapela si House Minority Leader Bienvenido Abante Jr. sa LTFRB at Malacañang na kaawaan naman ang solusyunan ang sitwasyon ng mga jeepney drivers na hindi makabiyahe ngayong mayroong COVID-19 pandemic.
Ayon kay Abante, dapat ikonsidera naman ng LTFRB ang mga suhestyon sektor ng mga jeepney drivers.
Marami na kasi silang mga mambabatas na natatanggap na rekamo laban sa regulasyon ng LTFRB para sa jeepney operations.
Kung maari aniya, huwag naman bigyan masyado ng mahigpit na mga requirements ang mga jeepney drivers para makabalik sa biyahe sa kalsada.
Sa ngayon, marami nang mga nagugutom na jeepney drivers at sa halip aniya na bigyan sila ng amelioration program ay mas makabubuti kung pahintulutan na lang ang mga ito na makabalik sa kanilang trabaho. (Ara Romero)
-
EPIC ACTION ADVENTURE “THE WOMAN KING” REVEALS FIRST TRAILER
BOW down to the most exceptional female warrior to ever live. Check out the first trailer of Columbia Pictures’ epic action-adventure The Woman King, rising soon exclusively in cinemas across the Philippines. YouTube: https://youtu.be/Urnw1iqXI9E About The Woman King: The Woman King is the remarkable story of the Agojie, the all-female unit […]
-
Ads March 14, 2024
-
CoronaVac ituturok sa mga senior na may ‘controlled comorbidities’
Parehong gagamitin ng Department of Health (DOH) ang hawak na mga bakuna mula sa AstraZeneca at CoronaVac ng Sinovac sa mga senior citizens ngunit ang huli ay ilalaan para sa mga may controlled “comorbidities”. Sinabi ni Health Undersecretary Myrna Cabotaje, na habang tinatapos pa ang pagbabakuna sa mga healthcare workers ay maaari na […]