Simula Pebrero 1 maliliit na alagang hayop, pwede nang isakay sa LRT-2
- Published on January 30, 2023
- by @peoplesbalita
INANUNSIYO ng Light Rail Transit Authority (LRTA) na simula sa Pebrero 1 ay magiging pet-friendly na ang Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) dahil maaari nang isakay ng mga fur parents ang kanilang maliliit na alagang hayop sa kanilang mga tren.
“Beginning Feb. 1, pwede nang magdala at magsakay ng ating mga pets sa mga station at tren ng LRT-2,” ayon kay LRTA Administrator Hernando Cabrera.
“Ang objective lang naman natin dito ay gawing pet-friendly ang ating sistema,” aniya pa.
Ani Cabrera, may ilang mga panuntunan lamang silang ipapatupad bago tuluyang payagang makapasok ng istasyon at makasakay ng tren ang mga alagang hayop.
Aniya, kailangang fully vaccinated ang mga alagang hayop laban sa rabies, nakalagay sa kulungan o carrier at nakasuot ng diapers.
“Kailangan malinis… ‹yung usual na mga alituntunin, pinapatupad ng mga pet-friendly na establishment, ganoon din ‹yung policy namin na i-implement,”ayon pa sa LRTA chief.
“Yung policy na pinapaikot namin ngayon dapat naka-cage [ang alaga]. Kapag nakatali maaaring magkaroon tayo ng operational problem niyan sa loob ng tren o sa istasyon,” aniya pa.
Tanging maliit na alagang hayop lamang naman anila ang papayagang maisakay sa tren at dini-discourage ang malalaking alaga dahil sobrang crowded o siksikan ang mga tren, lalo na kung rush hours.
Paliwanag ni Cabrera, “Kapag malalaki na, mahihirapan naman nang ipasok sa tren. Siksikan kung minsan sa tren.”
-
Kasama na bibida sina Bianca, Faith at Angel: KELVIN, labis ang pasasalamat na nakuhang pang-apat na ‘Sang’gre’
MAGUGULAT ang marami sa role ni Carla Abellana sa upcoming teleserye niya na ‘Stolen Life’. Tinaguriang Primetime Goddess si Carla pero totoo bang kontrabida siya sa bago niyang soap opera? “May pagka-fantasy po itong ‘Stolen Life’ nagre-revolve siya around the story or concept of astral travel or astral projection. […]
-
Obispo, nababahala sa pagpasok ng mga Chinese vessel sa teritoryo ng Pilipinas
Apostolic Vicariate of Puerto Princesa, nababahala sa pagpasok ng Chinese vessels sa teritoryo ng Pilipinas Nagpahayag ng pagkabahala ang Apostolic Vicariate of Puerto Princesa kaugnay sa presensya ng mga Chinese vessels sa Julian Felipe Reef na bahagi ng teritoryo ng Pilipinas sa West Philippine Sea. Ayon kay Puerto Princesa Bishop Socrates […]
-
Taxis humihingi ng P30 na flagdown
ANG MGA samahan ng taxi operators at drivers sa bansa ay humihingi sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng konsiderasyon sa kanilang petisyon na itaas ang flagdown ng taxi kung saan ito ay una nang binasura ng ahensiya. Humihingi sila ng P30 flagdown rate mula sa LTFRB na hindi naman […]