• December 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

SIMULATION, GAGAWIN SA AIRPORT

MAGSASAGAWA   ng simulation sa  airport  ang Department of Health (DOH) bukas  kasama ang tatlong malalaking ospital bilang paghahanda sa darating na mga bakuna na dadalhin sa mga storage  facility o  vaccine hub.

 

Ayon kay Usec Maria Rosario Vergeire, mula sa paliparan dadaan sa clearance mula sa Bureau of Customs (BOC) bago ito ilabas kung saan may naghihintay nang transport vehicles na nakatalaga.

 

Sinabi pa nito na sa ginagawang plano aniya ngayon para sa simulation bukas ay 20 minutes ang pag-transport  mula sa  Ninoy Aquino Internationl Airport (NAIA)  hanggang sa Resaserch Institute and Management  Technology (RITM) warehouse o central hub.

 

Pagdating naman sa RITM ay kailangan itong inspeksyunin matapos ma-receive  upang malaman kung may nagbago sa temperature ng bakuna dahil mahalaga umanong mapanatili ang potency ng bakuna bago ito ilagay sa storage at kasunod na nito ang preprasyon.

 

Mula naman sa RITM, dadalhin naman ang mga bakuna sa mga regional warehouse na siya namang magdidistribute sa iba’t ibang local government units .

 

Ang LGUs naman ang siyang magdidistribute sa mga vaccination sites.

 

Dagdag pa ng opisyal,  iba-iba ang magiging proseso  sa bawat  klase ng bakuna na may iba’t-ibang storage  requirement . (GENE ADSUARA) 

Other News
  • Siguradong na-shock ang mga tagahanga: NADINE, nagmarka ang malulutong na pagmumura sa ‘Uninvited’

    KUNG ang sobrang pag-inom ng alak sa isang showbis affair ang dahilan kung bakit pinag-uusapan ngayon ang isang supporting aktor, ay ang paglalasing din ang ginawang “scape goat” ng dating komedyanteng si Mura.   Kumbaga, ang paglalasing ay ang ginawang bisyo ni Mura ns kilala sa tunay na pangalang si Allan Padua.   Ayon pa […]

  • Ads May 21, 2024

  • Bulacan, pinaigting ang iwas disgrasya sa panahon ng pandemya at pagsalubong sa Bagong Taon

    LUNGSOD NG MALOLOS – Muling pinaigting ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pangunguna ni Gob. Daniel R. Fernando ang kampanya para maiwasan ang disgrasya sa panahon ng pandemya at pagsalubong sa Bagong Taon.   Ani Fernando, may inilinyang gawain ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) at Provincial Cooperative and Enterprise Development Office (PCEDO) […]