Sinagot ang mga isyu sa exclusive interview: LIZA, harap-harapang inamin na nasaktan sa sinabi ni BOY
- Published on March 11, 2023
- by @peoplesbalita
SIGURADONG tinutukan ng madlang pipol ang Friday edition ng ‘Fast Talk with Boy Abunda’ dahil sa exclusive interview ni Liza Soberano kay King of Talk Boy Abunda, na kung saan matapang ngang sinagot ng aktres ang mga isyung kinasasangkutan niya.
Isa nga tinanong ni Kuya Boy kay Liza kung ano ang naramdaman niya sa pagkadismaya ng TV host tungkol sa nilabas na 14-minute vlog noong February 28.
“Na-hurt ako kasi feeling ko of all people ikaw ‘yung makakaintindi [because] I see you as one of the wisest in the industry,” harap-harapang pag-amin ni Liza.
“Sa dami ng napagdaanan mo with different personalities parang you always saw things for what they were. And parang ang paniniwala ko your judgment isn’t clouded by the noise of the media, by what the fans say, so I felt misunderstood by you.”
Pagpapatuloy pa niya, “but then noong nag-usap naman kayo ni James (Reid) and he talked to me after. In-explain niya sa akin ‘yung taught process mo about everything and I understood your point.
“It really did make sense to me and so, that’s why I want to have this conversion with you.”
Tinanong din ni Kuya Boy na, “When you became one of the biggest stars in this country, didn’t the dynamics change? Hindi ka ba nakapagdikta, nakapagsabi na ito ang direksyon ko, ito ang gusto kong gawin, ito ang gusto kong puntahan? Didn’t it happen that way?”
Sagot ni Liza, “I would say the power dynamics did shift a bit. Naranasan ko naman that I was given some right to kind of approve certain things that were going on in my career. But I was never empowered na mag-isip on creating or sharing ideas of how I could… grow my career or bring it to a different direction,” eksplika pa ni Liza.
Nilinaw din ng aktres na kadalasan ay pini-pitch sa kanya ang concept ng mga project na nirerekomenda ng kanyang management.
Paliwanag ng aktres, “So yes, I may have made some decisions for myself. I may have agreed to doing certain things but I wouldn’t say that there were completely my own kasi I had fans to cater to, I had family to provide for, I had people in the industry that I wanted to impress or make proud [of].
“And so I didn’t grow up learning how to choose things for myself and really, you know, deciding on what I want. It was always dictated by what people think this is what’s right for me.”
Kinuwento rin ni Liza na noong mas lumawak na ang kaalaman niya tungkol sa acting, sinubukan niyang maging collaborative at magbigay ng creative inputs tungkol sa script.
“When I started like really understanding how acting works, started understanding character development and everything, meron pong mga times that I would talk to the director, I would talk to the PAs, I would talk to the writers and be like, sa tingin ko po hindi sasabihin ng character ko ‘to, hindi gagawin ng character ko ‘to,” paliwanag nito.
Maayos daw siyang nakipag-negotiate sa creative team pero nalaman niyang dahil dito ay binansagan siya ng mga staff na “little producer”.
“I didn’t know that behind my back, actually a really close director-friend of mine told me na they would talk about behind my back during pre-prod meetings and call me little producer.”
Dagdag pa niya, “Ever since after that, I felt like didn’t have the right to bring this up kasi nao-offend ko ‘yung mga tao sa paligid ko, which was not my intention. But I thought as an actor that that was my job also to do – to question, you know, to help improve the story, to help, to be collaborative.”
Kinausap daw niya ang kanyang dating manager na si Ogie Diaz pero pinili niyang ‘wag na palakihin ang isyu dahil ayaw niyang pangalanan ang kaibigan na nagsumbong sa kanya.
“Naisip ko baka ganon lang talaga ang showbiz. I didn’t know anything else beyond that so maybe, iniisip ko pa nga maybe ako ‘yung rude for questioning the creatives’ decisions,” tugon pa niya.
“I just wanted to feel heard or listened to,” dagdag nito.
Sagot niya kung bakit hindi ipinaglaban ang gusto niyang gawin, “Takot po akong makaapak ng tao. I don’t like disappointing people. I don’t like creating enemies and… I’m a people pleaser, so hindi ko kaya ‘pag people have bad feelings towards me.”
Nilinaw din ng aktres na hindi siya nagrereklamo sa tinakbo ng kanyang career sa ABS-CBN.
“I am not complaining. I am very grateful for everything that I experienced because dahil diyang napaaral ko ang sarili ko, nakatapos ako ng high school. Dahil diyan, nakabili ako ng bahay para sa family ko.
“Here in the Philippines and for my grandparents that are living in the states. I am so grateful for that. Kasi I was able to do things that – at such a young age – I would have never been able to do if not for this job.
“If not for ABS-CBN, for Tito Ogie, if not for Quen.” saad niya.
Samantala, marami pang rebelasyon sa part two ng exclusive interview ni Liza sa ‘Fast Talk with Boy Abunda’ na mapapanood sa Lunes, March 13, 2023, 4:45 ng Hapon sa GMA-7.
(ROHN ROMULO)
-
MOA ng EDSA busway bridge nilagdaan
Lumagda ang Department of Transportation (DOTr) sa isang kasundaan sa pagitan ng mga kumpanya tulad ng SM Prime Holdings, DM Wesceslao and Associates Inc., at Double Dragon Properties Corp. para sa pagtatayo ng EDSA busway bridges. Ang mga bridges ay magkakaron ng concourse na poponduhan ng tatlong nasabing kumpanya. Ito ay magbibigay ng ligtas, […]
-
Resolusyon sa pagpapaliban ng implementasyon sa cashless toll payment hanggang Enero 1, 2021, pinagtibay ng komite
Pinagtibay sa isang online na pagdinig ng House Committee on Transportation ang House Resolution 1367 na humihiling Department of Transportation (DOTr) na pansamantalang ipagpaliban ang implementasyon ng cashless toll payments sa pamamagitan ng Radio Frequency Identification (RFID) System hanggang Enero 1, 2021. Inihain ni Quezon City Rep. Precious Hipolito-Castelo ang resolusyon matapos na isulong […]
-
Isko at Honey naghanda vs Delta variant
Upang mapigilan ang pagdami at paglawak pa ng mga posibleng dapuan ng COVID-19 Delta variant ng COVID-19 ay puspusan ang ginagawang hakbang at paghahanda nina Manila Mayor Isko Moreno at Vice Mayor Honey Lacuna para mapigilan ito. Ayon sa negosyante at dating konsehal ng Maynila na si Don Ramon Bagatsing, nakita niya ng […]