Sinampahan ng kaso ni Sandro, may apela sa publiko: NIÑO, humihingi ng dasal at nagpapasalamat sa lahat ng sumusuporta
- Published on August 3, 2024
- by @peoplesbalita
MATAPOS na isiwalat ng GMA sa kanilang official statement na pormal nang nagsampa ng reklamo si Sandro Muhlach są network laban kina Jojo Nones at Richard Cruz na hindi na idinetalye ang nilalaman nito, ay pinarating ang abogado ng daalwang independent contractors.
Ayon kay Atty. Garduque, na iniulat ng “24 Oras” noong Huwebes nang gabi, nalulungkot at nasasaktan sina Nones at Cruz dahil sa kaliwa’t kanang pambabatikos.
Na kahit hindi pa raw kasi napatutunayang may nagawa silang kasalanan kay Sandro ay nahusgahan na sila na parang mga kriminal.
“Our clients are deeply saddened by the serious allegations hurled against them circulating on social media.
“And though these allegations do not mirror the true accounts of the event, we would like to reserve the right to respond in a proper forum when we receive a copy of the formal complaint.
“For the meantime, we urge the public to respect the investigation being conducted on this case and we advise people who have no personal knowledge of the incident to refrain from posting baseless defamatory allegations and therefore unfairly subjecting both parties to publicity trial,” sabi ng abogado ng dalawa.
Samantala, ayon naman sa ama ni Sandro na si Niño Muhlach, naghahanda na sila sa pagsasampa ng kaukulang kaso laban sa mga taong nang-abuso sa anak.
Sinabi pa ng aktor at dating child wonder na lalantad siya at magsasalita sa tamang panahon. Balitang plano rin daw magsalita ni Sandro kapag may resulta na ang imbestigasyon ng GMA.
At sa latest post ni Niño sa kanyang Facebook account, humihingi siya ng dasal at nagpapasalamat sa lahat ng sumusuporta…
“Our family has suffered so much because of the unspeakable and vile acts done to our son. We ask for your prayers to help us muster enough strength and courage to withstand the horror of re-living the dastardly acts of the perpetrators as we seek justice through our legal system.
“Thank you for all your support and kind words and your gracious gift of space. We truly appreciate it.”
***
PATULOY ang pagtaas ng bilang ng child pornography at illegal gambling sites na nahaharang ng Globe.
Mula Enero hanggang Hunyo 2024, hinarang ng Globe ang 1,718 domains at 190,167 URLs na patungkol sa child pornography. Malaking pag-angat ito mula sa 1,295 domains at 129,652 URLs na na-block noong 2023.
Napigilan din ng Globe ang pag-access sa 2,726 domains ng mga illegal gambling sites, kumpara sa 1,828 noong nakaraang taon.
Sinisiguro ng Globe na ang mga programa ng kumpanya ay naaayon sa Anti-Child Pornography Act of 2009 (Republic Act 9775). Ang batas na ito ay nag-aatas sa mga internet service providers (ISPs) na gamitin ang teknolohiya para maiwasan ang access sa child pornography.
“Misyon ng Globe na gawing ligtas ang internet para sa lahat, lalo na sa mga bata. Ang mas pinaigting naming pagsisikap na pigilan ang access sa mga mapanganib na content ay patunay ng aming dedikasyon sa online safety,” ayon kay Anton Bonifacio, Chief Information Security Officer at Chief AI Officer ng Globe.
Nag-invest ang Globe ng higit sa $2.7 milyon sa mga advanced content filtering systems para mas mapaigting ang pagharang sa illegal content.
Nakikipagtulungan din ang Globe sa iba’t ibang organisasyon tulad ng Department of Information and Communications Technology (DICT), Department of Justice (DOJ), Philippine Chamber of Telecommunications Operators, at mga non-government organizations para mas palakasin pa ang proteksyon ng mga bata online.
Ayon sa pag-aaral ng US-based National Center for Missing and Exploited Children (NCMEC), ang Pilipinas ay isa sa mga nangungunang pinagmumulan ng Online Sexual Abuse and Exploitation of Children (OSAEC) content.
Kaya naman hindi lang pagharang sa nakasasamang content ang ginagawa ng kumpanya.
Sa pamamagitan ng #MakeITSafePH campaign na inilunsad noong 2017, nagsasagawa ang Globe ng educational programs at awareness activities para bigyang kaalaman ang mga mamamayan kung paano protektahan ang kanilang sarili online.
Layunin ng Globe na maging responsable ang lahat sa paggamit ng teknolohiyang digital at matiyak na mas ligtas na internet para sa lahat ng Pilipino.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa Globe, bisitahin ang https://www.globe.com.ph/.
(ROHN ROMULO)
-
Pagaganahin ang imahinasyon at interpretasyon sa movie: ROMNICK, puring-puri si ELIJAH at ‘di umaasang mananalo ng award
WALA talagang itulak kabigin sa kahusayan sa pag-arte nina Romnick Sarmenta sa Elijah Canlas sa psychological thriller-drama na “About Us But Not About Us” na entry ng IdeaFirst Company sa 1st Summer Metro Manila Films Festival na nagsimula noong April 8 at magtatapos sa April 18, 2023. Sa imbitasyon ni Direk Perci Intalan, […]
-
Valenzuela nagsagawa ng pagsasanay sa mga guro para sa paghahanda sa reading camp 2024
NAGSAGAWA ang Valenzuela City, sa pakikipagtulungan ng Synergeia Foundation at DepEd Valenzuela ng komprehensibong pagsasanay para sa mga guro bilang paghahanda para sa Valenzuela Reading Camp 2024 sa WES Events Space Lawang Bato. 64 na guro, na kilala rin bilang “reading coordinators ang sumailalim sa komprehensibong pagsasanay sa pagtuturo sa Valenzuela Reading […]
-
Bago mag-compete sa Miss Universe sa El Salvador: MICHELLE, tinapos muna ang reservist training sa Philippine Air Force
BAGO lumipad for El Salvador para sa Miss Universe pageant si Michelle Marquez Dee, tinapos niya muna ang kanyang reservist training sa Philippine Air Force noong nakaraang September 30. Isa raw sa goal ni Miss Universe Philippines 2023 ay ang maging civilian reservist dahil ayon kay Michelle, “it is one of the […]