• November 17, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sinas, handang patunayan na karapat-dapat siya sa posisyong ibinigay sa kanya ng Pangulong Duterte

HANDANG patunayan ni bagong Philippine National Police chief Major General Debold Sinas na karapat-dapat siyang maging pinuno ng PNP.

 

Ito’y sa kabila ng kaliwa’t kanang kritisismo sa kanyang pagkakatalaga bilang pinuno ng Pambansang pulisya.

 

Sinabi ni Sinas sa Laging Handa press briefing na marami na siyang napagdaanang posisyon bago marating ang pinaka mataas na puwesto sa PNP.

 

Sa katunayan, kabilang na rito ang pagiging hepe ng Central Visayas police office, naging Deputy Regional Director for Administration din siya sa Police Regional Office 12, nagsilbing secretary to the Directorial Staff sa Camp Crame, direktor ng PNP Crime Laboratory at naging Police Chief Superintendent noong 2017.

 

Aniya, kahit hindi kumpiyansa ang karamihan sa kanyang liderato ay wala na siyang magagawa hinggil dito dahil mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang pumili sa kanya.

 

Binigyang-diin nito na patutunayan na lamang niya na karapat dapat siya na maging PNP Chief at tiniyak na ipatutupad ang direktiba sa kanya ni Pangulong Duterte kabilang ang pagsugpo sa ilegal na droga, sa koraspyon at sa terorismo. (Daris Jose)

Other News
  • Ads March 8, 2024

  • Gobyerno patuloy na titiyakin ang food security sa bansa-PBBM

    TINIYAK ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na patuloy na titiyakin ng gobyerno ang food security sa bansa at gawing ‘affordable’ ang pagkain sa publiko.     Sa kanyang ikatlong State of the Nation Address (SONA), sinabi ni Pangulong Marcos na habang umani ang Pilipinas ng mahigit sa 20 milyong tonelada ng palay noong nakaraang […]

  • 2 drug suspects huli sa Caloocan drug bust

    REHAS na bakal ang kinasadlakan ng dalawang hinihinalang drug personalities matapos kumagat sa ikinasang buy bust operation ng pulisya sa Caloocan City.     Kinilala ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta ang naarestong mga suspek na si alyas “Ert”, 53 at alyas “Mekini”, 20, kapwa residente ng Brgy. 19.     Batay sa ulat […]