• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Singil ng PHILHEALTH, tataas sa Hunyo

NAKATAKDANG magpatupad ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ng mas mataas na premium rate sa mga miyembro nito.

 

 

Alinsunod ito sa Universal Health Care (UHC) Law na plano namang simulan sa darating na buwan ng Hunyo.

 

 

Ayon kay PhilHealth Senior Manager for Formal Sector-member Management Group Rex Paul Recoter, ngayong taong 2022 ay nasa sa 4% ang kanilang magiging premium rate, habang nasa P10,000 ang halaga ng income floor, at P80,000 naman ang income ceiling.

 

 

Ibig sabihin nito ay papalo na dapat sa P400 ang halaga ng monthly PhilHealth contribution ng bawat indibidwal na kumikita ng P10,000 kada buwan, kung kaya’t dapat ay papalo na sa P4,800 ang annual premium ng nasabing mga indibidwal.

 

 

Aabot naman sa P3,200 ang magiging monthly contribution ng mga miyembrong mga sumasahod ng hanggang P80,000 kada buwan na may katumbas naman na P38,400 na annual PhilHealth contribution ng mga ito.

Other News
  • DOTr nilinaw na walang budget para sa Libreng Sakay sa taong 2023

    NILINAW  ni Transportation Undersecretary for Road Transport and Infrastructure Marke Steven Pastor na hindi nakatanggap ng alokasyon sa 2023 budget ng ahensya ang pagpapatuloy ng programa ng Department of Transportation (DOTr) na magbigay ng libreng sakay sa mga commuter sa susunod na taon at magbigay ng insentibo sa mga driver at operator ng public utility […]

  • DFA naghain ng dalawang bagong diplomatic protest vs China

    Dalawang panibagong diplomatic protest ang inihain ng Department of Foreign Affairs (DFA) laban sa China matapos na mataan ang 160 Chinese vessels sa karagtang sakop ng Pilipinas.     Sa isang diplomatic note na may petsang Abril 21, sinabi ng DFA na ang presensya ng mga barkong ito sa West Philippine Sea ay hayagang pagtapak […]

  • Ulat ng COVID-19 sa mga iskul, binubusisi ng DepEd

    BINUBUSISI ng Department of Education (DepEd) ang natanggap na ulat na may ilang paaralan at school personnel ang nagka-COVID mula nang simulan muli ang pagpapatupad ng face-to-face classes sa bansa.     Ayon kay DepEd Spokesperson Michael Poa, patuloy nilang inaalam ang report dahil wala pa silang ulat kung ilan ang nagkaroon ng virus sa […]