• November 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Singil sa kuryente bababa ngayong Oktubre – Meralco

MAGPAPATUPAD ang Manila Electric Company (Meralco) ng mahigit pitong sentimo kada kilowatt hour (kWh) na tapyas sa singil sa kur­yente ngayong Oktubre.

 

 

Ayon sa Meralco, ang overall rate para sa isang typical household ay babawasan nila ng 7.37 sentimo/kWh ngayong buwan, o magiging P9.8628/kWh na lamang mula sa dating P9.9365/kWh noong Setyembre.

 

 

Nabatid na ang naturang adjustments ay nangangahulugan ng P15 na pagbaba sa total electricity bill ng mga kostumer na nakakakonsumo ng 200 kWh kada buwan; P22 na bawas sa mga naka­kagamit ng 300 kWh; P29 sa mga nakakakonsumo ng 400 kWh at P36 naman para sa mga nakakagamit ng 500 kWh kada buwan.

 

 

Sinabi ng Meralco na mas mura pa ang power rates ngayon para sa residential customers kumpara noong 2012 na nasa P10.661/kWh; 2014 na nasa P10.465/kWh at 2018 na nasa P9.976/kWh.

 

 

Ipinaliwanag naman ng electric company na ang pagbaba ng singil sa kur­yente ay dulot ng pagbaba ng feed-in-tariff allowance na nabawasan ng 6.19 sentimo/kWh, matapos na aprubahan ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang mas mababang koleksiyon simula ngayong Oktubre.

 

 

Dagdag pa ng Meralco, bumaba rin ang generation charges para sa buwang ito ng 2.01 senitmo/kWh o naging P6.9192/kWh mula sa dating P6.939/kWh noong nakaraang buwan, dahil sa lower costs mula sa supply contracts ng kumpanya.

 

 

Maging ang charge mula sa independent po­wer producers (IPPs) at power supply agreements (PSAs) ay nabawasan din umano sa buwang ito. (Daris Jose)

Other News
  • PUBLIC SCHOOL STUDENTS, NABIYAYAAN NG CASH ASSISTANCE

    NABIYAYAAN  ng cash assistance ang may 935 public school students ng lokal na pamahalaan lungsod nitong Martes.     Ito na ang ikalawang batch na cash assistance  sa ilalim ng  Educational Assistance Program (EAP) at naipamahagi sa koordinasyon ng  Manila Department of Social Welfare (MDSW) sa San Andres Complex, Manila.     Ayon sa Manila […]

  • Panukalang 15-day paid ‘family, medical leave’ inihain sa Senado

    INIHAIN ni Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr. ang isang panukalang batas na siyang layong bigyan ang bawat ng empleyado ng 15 araw para alagaan ang mga kamag-anak na may sakit o kaya naman ang sarili.     Isinusulong ng Senate Bill No. 24 o “Family and Medical Leave Act of 2022” ang “15 days of […]

  • DOH: 8,764 healthcare workers infected; 58 patay sa COVID-19

    Aabot na sa 8,764 ang bilang ng mga health care workers sa Pilipinas ang tinamaan ng COVID-19, ayon sa Department of Health (DOH).   Batay sa data ng ahensya, as of September 16, mayroon nang 8,068 na ang gumaling at 58 ang namatay na, mula sa nasabing total.   Ang mga active cases o nagpapagaling […]