• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Single ticketing system sa MM sisimulan sa May 2

INIULAT ng Metro Manila Council (MMC) na ang single ticketing system para sa lahat ng traffic violations ay sisimulan sa May 2.

 

 

Nilagdaan ng mga Metro Manila mayors kasama ang mga opisyales ng Land Transportation Office ang memorandum of agreement para sa pagpapatupad ng single ticketing scheme sa kalakhang Manila.

 

 

“After Labor Day, we will roll out the unified ticketing system in Metro Manila,” wika ni San Juan City Francis Zamora na siya rin president ng MMC.

 

 

Ang MMC ay binubuo ng mga mayors sa metropolis na siyang policy-making body ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

 

 

Nilagdaan ng mga mayors ang Metro Manila Traffic Code of 2023 na naglalaman ng 20 common traffic violations at ang corresponding multa ng bawat violations. Ang mga nasabing common traffic violations ay ang mga sumusunod: illegal parking, overloading, defective motor vehicle accessories, dress code, obstruction at disregarding traffic signs, number coding kasama rin ang truck at tricycle bans.

 

 

Ang mga traffic enforcers sa Metro Manila ay maaaring manghuli ng mga motorista na lumalabag sa batas trapiko na may multang mula P500 hanggang P10,000 depende sa frequency ng offense.

 

 

Ayon sa bagong matrix, ang mga mahuhuli ay kinakailangan magbayad ng mga sumusunod: P500 para sa number coding, tricycle ban at arrogance/discourteous conduct; P1,000 para sa disregarding traffic sign, attended illegal parking o di kaya ay kung ang driver ay nasa loob ng sasakyan, obstruction, overloading, defective motor vehicle accessories, loading at unloading sa mga bawal na lugar, overspeeding at walang seatbelt; P2,000 para sa unattended illegal parking, light truck ban at unauthorized modification at P3,000 naman para sa truck ban.

 

 

Depende naman sa kung ilan beses ginawa ang offenses, ang mga mahuhuli ay magmumulta ng P1,000 sa una, P2,000 sa ikalawa, at P2,000 na may kasamang seminar sa mga susunod na offenses para sa reckless driving.

 

 

Para naman sa dress code, P500, P750 at P1,000. Papatawan ng P2,000 at P5,000 para sa illegal counterflow; P1,000, P2,000 at P5,000 sa hindi paggamit ng child restraint system (CRS). Bibigyan naman ng multang P1,000, P3,000 at P5,000 para sa substandard na CRS; P1,500, P3,000 at P5,000 at P10,000 kung hindi gumagamit ng motorcycle helmet. Habang P3,000 at P5,000 sa paggamit ng helmet ng walang import commodity clearance o ICC marking. Papatawan rin ng P3,000, P5,000 at P10,000 kung hindi sumunod sa Children’s Safety on Motorcycles Act.

 

 

Ayon sa MMDA, ang mga law offenders ay dapat magbayad ng multa sa loob ng 10 araw pagkatapos ng pagkahuli. Aalisin ang record ng violation kapag nagbayad na ang motorista ng multa.

 

 

Ayon sa MMDa, ang mga driver’s license ay hindi na kukunin subalit magkakaron ito ng tagged sa LTO’s Land Transportation Management System.

 

 

Ang mga Metro Manila mayors na lumagda sa memorandum maliban kay Zamora ay sila QC mayor Joy Belmonte, Paranaque mayor Eric Olivarez, Manila mayor Honey Lacuna, Muntinlupa mayor Ruffy Biazon, Valenzuela mayor Wes Gatchalian, Pasay City mayor Emi Calixto-Rubiano, Malabon mayor Jeannie Sandoval, Caloocan mayor Along Malapitan, Navotas mayor John Rey Tiangco at Pateros mayor Miguel Ponce III. LASACMAR

Other News
  • OSY, kabataang tambay nagtapos sa Tech-Voc Skills sa Navotas

    MATAGUMPAY na nakapagtapos ang limampu’t siyam out-of-school at walang trabahong kabataang Navoteño ng libreng skills training mula sa Navotas Vocational Training and Assessment (NAVOTAAS) Institute.     Kabilang sa mga ito, ang 20 na nakakuha ng national certification (NC) II sa Shielded Metal Arc Welding, habang 20 naman ang pumasa sa NC II assessment para […]

  • Kelot todas sa pakikipagbarilan sa pulis sa Caloocan

    Dedbol ang isang 22-anyos na lalaki matapos makipagbarilan sa pulis sa Caloocan city, kamakalawa ng hapon.     Ayon kay Caloocan police chief P/Col. Samuel Mina, nagsasagawa ang mga tauhan ng Caloocan Police Sub-Station 12 sa pangunguna ni P/Capt. John David Chua ng detective patrol sa kahabaan ng Phase 9, Langit Road, Brgy. 176, Bagong […]

  • Ads May 15, 2024