• November 16, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Single ticketing system sa NCR, sisimulan na sa Abril

INAASAHANG  masisi­mulan na sa buwan ng Abril ang implementasyon ng single ticketing system sa National Capital Region (NCR).
Mismong si San Juan City Mayor Francis Zamora, na siya ring pangulo ng Metro Manila Council (MMC), ang nag-anunsiyo ng naturang development matapos ang pulong na idinaos ng council.
Nabatid na inaprubahan na rin naman ng MMC ang Metro Manila Traffic Code na gagamitin sa single ticketing system sa rehiyon.
“Within April, realistic ‘yan. Like what I’ve mentioned earlier, after today, it has been approved already. Aandar na ‘yung proseso natin,” ayon pa kay Zamora.
Dagdag pa ni Zamora, kinakailangan ding amiyendahan ng mga concerned local go­vernment units (LGUs) ang kani-kanilang mga ordinansa kaugnay ng mga polisiya sa trapiko bago sumapit ang Marso 15. Matatandaang una nang nagkasundo ang mga Metro Mayors na bumuo ng single ticketing system upang magkaroon ng unipormadong polisiya sa mga traffic violations at pe­nalty system sa NCR.
Sinabi naman ni Metropolitan Manila Development Autho­rity (MMDA) chairman Romando Artes na ang MMDA ang siyang sasagot sa gastos ng mga kakailanganing ka­gamitan para sa bagong sistema.
Other News
  • Panukalang patawan ng 12% VAT ang mga digital transactions lusot na

    Lusot na sa House Committee on Ways and Means ang panukalang patawan ng value-added tax (VAT) ang mga digital transactions sa bansa.   Inaprubahan ng komite ang unnumbered substitute bill na naglalayong amiyendahan ang National Internal Revenue Code of 1997.   Ayon sa Department of Finance, karagdagang P10 billion (P9 billion mula sa mga nonresident, […]

  • Mayor Isko nagpositibo sa COVID-19

    Nagpositibo sa COVID-19 si Manila Mayor Isko Moreno.     Ayon kay Julius Leonen, hepe ng Public Information Office, nasa Sta. Ana Hospital na si Moreno, na dinala doon ng ambulansiya ng Manila City Government kahapon.     “Nakararamdam ako ng kaunting ubo, kaunting sipon. Masakit ang aking katawan ngayon,” ani Moreno.     Tiniyak […]

  • QC HALL HINIKAYAT ANG MGA RESIDENTE NITO NA SAMANTALAHIN ANG LIBRENG SWAB TEST

    DAPAT samantalahin ng mga residente ng Kyusi ang ibinigigay na libreng swab testing ng City hall ayon kay QC Mayor Joy Belmonte.     Ang pahayag ay ginawa ni Belmonte nang malaman na may isang ginang ang napa anak sa tricycle dahil hindi tinanggap nang isugod sa ospital dahil walang swab test na isa sa […]