Sinibak na parak, kulong sa pangongotong
- Published on December 9, 2020
- by @peoplesbalita
Isang parak na sinibak sa serbisyo ang dinampot sa isinagawang entrapment operation ng mga tauhan ng Maritime Police matapos ireklamo ng pangongotong ng pera sa mga delivery truck ng isda sa loob ng Navotas Fish Port Complex (NFPC) sa Navotas City, kamakalawa ng gabi.
Nakasuot pa ng police field service uniform (FEU) si Don De Quiroz Osias II, 39 ng 63 Rodriguez Subdivision, Dampalit, Malabon city nang arestuhin ng mga tauhan ni Northern NCR Maritime Police Station (MARPSTA) head P/Maj. Rommel Sobrido dakong 8:30 ng gabi sa Bañera St., NFPC matapos tanggapin ang P100 marked money mula kay Pat. Patrick Quinto na umaktong truck helper.
Gayunman, tinangka umano ng suspek maglabas ng kung anu mula sa kanyang baywang kaya’t napilitan ang mga operatiba na putukan siya sa hita bago isinugod sa Tondo Medical Center kung saan ito binabantayan ng mga tauhan ng Maritime police habang ginagamot.
Narekober ng mga operatiba sa suspek ang P100 marked money, P470.00 at motorsiklo na gamit niya sa kanyang illegal activity.
Nauna rito, nakatanggap ng mga reklamo si P/Col. Ricardo Villanueva, hepe ng Regional Maritime Unit-NCR mula sa mga delivery truck drivers ng isda na isang alyas “Don” na nagpapakilalang miyembro ng Maritime police ang humihingi sa kanila ng pera dahilan upang isagawa ng mga tauhan ng MARPSTA ang entrapment operation kontra sa suspek.
Positibong kinilala ng mga truck drivers na sina Bryan Alcantara, 36, Gilbert Delia, 48, Cyril John Diaz, 36 at Bonifacio Salinay, 47, si De Quiroz Osias na nanghihingi sa kanila ng pera tuwing dadaan sila sa Bañera St., NFPC, NBBS Proper.
Nakatanggap din si Malabon police chief P/Col. Angela Rejano ng impormasyon na ang suspek ay napaulat na nag-AWOl dalawang taon na ang nakalipas matapos pumasok sa serbisyo noong 2008 at pinaghahanap ng pulisya dahil sa kanyang extortion activities sa Malabon city. (Richard Mesa)
-
Nograles, anti-hunger partners, naghatid ng tulong-pagkain sa Marawi
Si Cabinet Secretary Karlo Nograles, kasama ang mga private sector partners mula sa Pilipinas Kontra Gutom at Rise Against Hunger, ay namahagi ng mga libreng food packs sa mga residente ng Marawi City at Lanao del Sur noong Martes, Marso 2, 2021 bilang bahagi ng pagsisikap ng administrasyong Duterte sa buong bansa na labanan ang […]
-
Latest update sa isyu ng Covid -19, pinag-usapan ng ilang miyembro ng gabinete ni PDu30
TINALAKAY ngayon ng ilang miyembro ng gabinete ang latest update ukol sa usapin ng COVID-19. Kabilang sa mga napag-usapan ang ginagawang pagtugon ng pamahalaan sa isyu ng hazard pay ng healthcare workers. Inaasahan naman na maide-deliver ang dalawang milyong bakuna ngayong Abril 2021 kung saan ang 1.5-M ay manggagaling mula sa Sinovac. […]
-
Pinoy, binitay dahil sa kasong pagpatay sa Saudi Arabia —DFA
ISANG Filipino sa Kingdom of Saudi Arabia ang binitay dahil sa kasong pagpatay sa isang Saudi national. Sa isang mensahe, sinabi ni Department of Foreign Affairs (DFA) Undersecretary Eduardo de Vega na ginawa na lahat ng departamento ang magagawa nito hinggil sa kaso ng akusadong Filipino kabilang na ang pagpapadala ng presidential letter of […]