• November 6, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sinovac COVID 19 vaccine, parating na sa bansa sa ikatlong linggo ng Pebrero – Malakanyang

PARATING na sa Pilipinas ang bakuna mula sa China na inaasahang tatapos sa COVID 19.

 

Tiniyak ni Presidential Spokesperson Harry Roque na sa Pebreroo 20 ang dating ng Sinovac sa bansa.

 

Sa susunod naman na buwan o sa Marso ay inaasahang maituturok ang bakuna na kung saan ay prayoridad na mabigyan ang mga medical health workers.

 

“Ang sa akin po, sinisikap natin na masimulan iyan nang Pebrero bagamat ang bulto ng mga naunang mga bakuna ay talagang siguro maituturok na iyan nang Marso.

 

Pero puwede naman tayong magsimula at inaasahan natin na mayroon tayong matatanggap galing doon sa tinatawag na COVAX facility – puwedeng Pfizer, puwedeng AstraZeneca, pero sigurado naman po na sa a-beinte (20) ng Pebrero darating po iyong Sinovac,” ayon kay Sec. Roque.

 

Kaugnay nito’y siniguro ni Sec. Roque na handa na din naman ang paglalagyang refrigerator ng mga bakunang paparating sa bansa.

 

Maliban sa RITM ay may mga pribadong sektor kagaya ng Zuellig aniya ang nakausap na ng gobyerno para duon iimbak ang mga COVID 19 vaccine.

 

Sa lahat ng bakuna na paparating ay ang Pfizer naman ang nangangailangan ng sub-zero temperature habang ang iba’y ordinaryong refrigerator lamang ay kakayanin na paglagakan ng vaccine.

 

” Tama po iyan. Pfizer lang naman po iyong sub-zero ang kinakailangan at lahat ng mga bakuna ay ordinary refrigeration lamang. So, handa po tayo diyan lalung-lalo na iyong AstraZeneca at saka iyong Sinovac. Pero pati naman po sa Pfizer dahil kakaunti naman po ang darating mayroon naman po tayong sapat, diyan po sa RITM at hindi lang po sa RITM mayroon din po tayo sa mga pribadong sektor kagaya ng Zuellig at saka iyong tinatawag nating ORCA,” aniya pa rin. (Daris Jose)

Other News
  • Ads July 9, 2022

  • China, tinutulan ang Philippine-US defense treaty review –Lorenzana

    ISINIWALAT ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na tutol ang China sa planong repasuhin o rebyuhin ang 70-year-old defense treaty sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos.   Ito kasi ang nagbibigkis sa Estados Unidos na ipagtanggol ang Maynila mula sa pananalakay kabilang na ang pinagtatalunang South China Sea.   ‘While the US welcomes the idea […]

  • Ayuda sa mga Bulakenyong magsasaka, pinangunahan ni Fernando

    LUNGSOD NG MALOLOS – Pinangunahan ni Gob. Daniel R. Fernando ang pagkakaloob ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan ng mga kagamitan sa pagsasaka sa ginanap na “Distribution of STW and Assorted Vegetable Seeds for Farmers Affected by Water Shortage” sa Bulacan Capitol Gymnasium sa lungsod na ito.   Tumanggap ng tig-isang shallow tube well ang may […]