Sinovac, natatanging opsyon ng ‘Pinas -Sec. Roque
- Published on January 14, 2021
- by @peoplesbalita
Ang COVID-19 vaccine na Sinovac mula sa China ang natatanging opsyon para sa pagbabakuna sa mga Filipino hanggang sa kalagitnaan ng taon.
Ang first batch ng Sinovac vaccine ay nakatakdang dumating sa bansa sa Pebrero habang ang mga doses mula sa Western drug makers ay magiging available pa lamang sa buwan ng Hunyo.
“Pagdating po ng bakuna hanggang Hunyo, wala po talagang pilian ‘yan dahil iisa lang po ang bakuna na magiging available. Iyon nga po iyong galing sa Tsina,” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.
Kahapon, pinasaringan ni Sec.Roque ang mga Filipino na mas pinipili ang COVID-19 vaccine mula sa US-based pharmaceutical giant na Pfizer.
Sinabihan niya ang mga ito na huwag nang maging “choosy” sa bakunang ibibigay sa kanila ng pamahalaan.
Gayunpaman sinabi naman ni vaccine czar Carlito Galvez na ang Pfizer vaccine ay maaaring dumating ng mas maaga kaysa sa Sinovac dahil ang pag-rollout nito ay pangangasiwaan ng COVAX Facility, isang global initiative na naglalayong tiyakin ang equitable access sa gamot.
Ang lahat ng bakuna na bibigyang awtorisasyon para sa emergency use ng local Food and Drug Administration ay mayroong “equal footing,” ayon naman kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.
“Ito po ay magiging ligtas saka magiging epektibo para sa ating mga kababayan,” ayon kay Usec. Vergeire sa press briefing ni Sec. Roque.
“Hindi po natin kailangan na mamili po tayo ng bakuna. Kung ano po iyong mauunang bakuna, atin pong tanggapin iyan,” dagdag na pahayag ni Usec. Vergeire. (Daris Jose)
-
RABIYA, tuloy na tuloy na bilang leading lady ni Sen. BONG; SANYA, may participation pa sa ‘Agimat ng Agila’
OUR best wishes and congratulations to the newlyweds Kapuso stars Tom Rodriguez and Carla Abellana. The wedding took place at the San Juan Nepomuceno Parish Church in Batangas, last Saturday, October 23, 2021. The stunning bride walk the aisle with her father. actor Rey Abellana and her mom Aurea (Rea) Reyes, […]
-
COMELEC HINAMON MGA KANDIDATO NA MAGSAMPA NG REKLAMO
HINAMON ni Comelec Spokesperson James Jimenez na ituloy ng mga kandidato ang kanilang unang naging pahayag na magsampa ng kaso sa Comelec ukol sa nangyaring pagbabaklas ng mga campaign posters sa loob ng bakuran ng kanilang tagasuporta. Ayon sa Comelec, dito umano magkakaroon ng linaw ang isyu. “Bukas ang Comelec,sa pagrere-evaluate […]
-
Mexican pinatulog ni Magsayo sa 10th round
Nagpasiklab din si Pinoy champion Mark Magsayo nang angkinin nito ang matikas na 10th round knockout win kay Mexican fighter Julio Ceja kahapon sa T-Mobile Arena sa Las Vegas, Nevada. Inilatag ni Magsayo ang solidong right shot na kumunekta sa panga ni Ceja para matamis na makuha ang knockout win. “Tumutok […]