• November 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

SISIHAN DITO SISIHAN DOON

Ang isyu ng paglobo ng bilang na tinamaan ng “Corona Virus” ay nagbunga ng sisihan sa pagitan ng ilang sector ng mamamayan at pamahalaan.

 

 

Ayon sa ilang mamamayan kulang umano ang mga hakbang na ginagawa ng kasalukuyang administrasyon sa paglaban sa “Corona Virus” na isang taon ng namamayagpag sa ating bayan.

 

 

Ano nga ba ang mga punto ng ilan  nating mga kababayan sa paninisi sa pamahalaan?

 

 

Ang una raw ay kawalan ng mass testing, ang pag antala ng pagdating ng bakuna, at ng mabagal na roll-outed ng bakuna. Nang magbukas ng konti ang ekonomiya  hindi na monitor ng pamahalaan ang mga malls, “Commercial establishments” at mga public transport vehicle kung  sinusunod ng mga ito ang social distancing. Anila, ilang police officer lang ang kailangan o magsama ng ilang police force multiplier para sa monitoring job.

 

 

Ang pamahalaan naman ay sinisisi rin ang taong bayan anila maraming pasaway di sumusunod sa health protocol. Gala ng gala na animoy walang virus.

 

 

Sa ganang akin di makakatulong ang sisihan bakit hindi pakingan ng pamahalaan ang puntong nabanggit baka naman makatulong ito kung mabagal edi bilisan kung walang nagmonitor edi lagyan ng mga taong magmomonitor di naman kailangan ng isang batalyong police para magmonitor sa mga malls at public transport “vehicle”, simabahan, barangay hall, mga public schools pwedeng “gamiting vaccine center” Di po ba kung makikinig lang tayo may solusyon sa bawat problema:

 

 

Ang mamamayan dapat may kooperasyon sa pamahalaan: sumunod sa health protocol, magsuot ng face mask di lang para wag mahuli ng autoridad kundi para proteksyonan ang inyong sarili wala munang galanng walang saysay:

 

 

Sa panahon ngayon ang sisihan ay di makakatulong ang dapat ay ang mamamayan at pamahalaan ay magkakapit bisig sa paglaban sa virus na ito. Ang tagumpay ng pamahalaan sa paglaban sa COVID-19, ay tagumpay din ng bawat isang Pilipino kaya nga po bayanihan ibig sabihin tulungan at hindi sisihan. (MANNY MALDONADO)

Other News
  • Kelot na nag-abandona sa pamilya, arestado sa Malabon

    REHAS na bakal ang kinasadlakan ng 36-anyos na lalaki matapos arestuhin ng pulisya sa bisa ng warrant of arrest nang kasuhan siya ng dating kalive-in makaraang mabigong sustentuhan ang lima nilang anak sa Malabon City.     Nagmakaawa pa si Mondido Rosales sa dating kalive-in na itinago sa pangalang “Gina” na patawarin na siya sa […]

  • Konstruksyon ng MRT -7 sa Kyusi pinahinto

    PINAHINTO ni QC Mayor Joy Belmonte ang construction ng MRT-7 sa bahagi ng Quezon City Memorial Circle (QCMC), dahil sa banta na posibleng humina ang pundasyon ng naturang park.   Bukod dito ay may banta umano na posibleng masira ang isang sikat na heritage park told ng QCMC na maituturing na mukha ng Kyusi.   […]

  • Pangako ni PBBM, mas maayos na suporta sa mga atleta; pinuri ang ” historic win” ng Philippine National Women’s Football team

    NANGAKO si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na bibigyan ng mas maayos na suporta ng gobyerno ang mga  national athletes para hasain pa ang kanilang mga potensiyal.     Binati ng Pangulo ang Philippine Women’s National Football team Filipinas para sa makasaysayang pagkapanalo ng mga ito laban sa Thailand nitong nagdaang linggo.     “We […]