• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘Sitwasyon sa mga ospital, babantayan muna bago ilagay sa Alert Level 1 ang NCR’

HINDI pa masabi sa ngayon ng Department of Health (DOH) kung ligtas na bang ilagay sa ilalim ng Alert Level 1 ang National Capital Region (NCR).

 

 

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, susuriin pa nila ang mga “safe places” at mga sitwasyon sa ospital sa NCR bago magdesisyon hinggil sa pagluluwag ng restrictions sa rehiyon.

 

 

Ito ay kahit pa nakikita naman aniya nila na magtutuloy-tuloy ang pagbaba ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) cases hanggang sa ikalawang linggo ng Marso.

 

 

Iginiit ni Vergeire na hindi pa rin ito sapat para babaan ang alert level sa Metro Manila.

 

 

Pebrero 7, sinabi ng infectious disease expert na si Dr. Rontgene Solante na “premature” pa para luwagan ang COVID-19 community quarantine sa Metro Manila mula sa kasalukuyang Alert Level 2 na tatagal hanggang Pebrero 15.

 

 

Talamak pa rin kasi aniya sa ngayon ang hawaan kaya kailangan pa ring maging mapagmatyag sa lahat ng oras.

 

 

Mababatid na sa ilalim ng Alert Level 1, magiging mas maluwag pa lalo ang galaw ng publiko kahit pa mayroon pa ring restrictions sa ilang mga aktibidad o mga lugar na sarado at masikip. (Gene Adsuara)

Other News
  • TUPAD ORIENTATION IN BULACAN

    Governor Daniel R. Fernando with some of the 609 beneficiaries of the Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers in the province during the TUPAD Orientation as part of the Weeklong Celebration of Labor Day 2021 held at the Bulacan Capitol Gymnasium, City of Malolos, Bulacan yesterday.     Si Gobernador Daniel R. Fernando kasama ang […]

  • POKWANG, naniniwalang walang masama o dapat ikahiya sa pagsasangla

    NGAYONG 2021, minamarkahan ng RD Pawnshop, Inc., na isa sa leading pawnshop brands sa bansa, ang isa pang milestone sa pagdiriwang ng kanilang ika-45 na anibersaryo.     Ayon kay Alma Pascual, ang Business Unit Head na RD Pawnshop Inc., na ii-expect ng kanilang satisfied na kliyente na mananatili ang commitment nila na mag-provide ng […]

  • Walang face mask, arestuhin! — Duterte

    Inatasan na ng Supreme Court (SC) ang lahat ng trial court judges sa buong bansa na suspindehin ang commitment orders sa mga kulungang pinamamahalaan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).   Ito ang inisyung kautusan ni Court Administrator Jose Midas Marquez bilang hiling ng Interior Secretary Eduardo Año.   Para kay Año’s, ito […]