Siya pa ang lalapit at babati pag nagkita: RAYVER, walang problema sa kanyang naging ex-girlfriends
- Published on September 9, 2024
- by @peoplesbalita
WALA raw problema si Rayver Cruz sa kanyang naging ex-girlfriends.
Maayos daw ang pakikipaghiwalay niya sa mga ito.
“Hindi na kami nagkakausap, pero ‘pag nagkikita naman kami, wala namang problema. Ako pa mismo ang lalapit at babati. Babatiin ko sila, wala namang problema, sey ni Rayver.”
Kabilang sa mga naging girlfriends ng ‘The Clash’ host ay sina Cristine Reyes, na ang boyfriend ngayon ay si Marco Gumabao, at si Janine Gutierrez na nali-link ngayon kay Jericho Rosales. Nabalita rin noon na naging girlfriend niya ang actress-beauty queen na si Imelda Schweighart a.k.a. Imelda Hart.
Sa relasyon ni Rayver kay Julie Anne San Jose ngayon, very strong and sweet ang relationship nila kahit na raw may mga fan si Julie na ayaw sa kanya.
“May mga makikita pa rin ako like sa social media na talagang ina-attack pa rin ako or bina-bash, pero hindi ko na lang po pinapansin. Okay lang din naman kasi hindi na natin mako-control ‘yun eh,” sey pa ng bida ng ‘Asawa Ng Asawa Ko.’
(RUEL J. MENDOZA)
-
‘Dolomite beach’ binuksan sa publiko
Muling binuksan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa publiko ang tinaguriang “dolomite beach” sa Baywalk sa Maynila kahapon ng umaga. Gayunman, limitado ang kapasidad ng beach at nasa 120 katao lamang kada limang minuto ang pinapayagang mamasyal sa lugar. Ayon sa DENR, mananatiling bukas ang dolomite beach sa […]
-
5 CHINESE NATIONALS, INARESTO SA KIDNAP FOR RANSOM
NAARESTO ng Manila Police District (MPD)-Station 5 ang limang indibidwal kabilang ang tatlong Chinese national dahil sa pagdukot sa tatlo nilang kababayan. Kasong Kidnap for Ransom (Art 267, RPC) at Comprehensive Firearm and Ammunition Regulation Act (RA 10591) ang kinakaharap ng mga naaresto na sina Wang Joe, 28; Ouyang Fuqing, 32; Chai Xin […]
-
Motorista puwedeng mamili kung PMVIC o PETC ang emission testing ng sasakyan
Hindi pipilitin ang mga motorista na mag avail ng emission testing sa mga private emission testing centers (PETCs) na siya naman sinusulong ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at ng Land Transportation Office (LTO) hanggang wala pa further notice sa publiko. Kailangan ang inspection report ng emission testing centers sa […]