• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Skyway 3 toll fee simula na sa July 12

Sisimulan na ng San Miguel Corp. (SMC) ang pangongolekta ng toll fee sa Skyway Stage 3 sa darating na July 12 kung saan tumagal din ng pitong (7) buwan ang libreng paggamit ng 18-kilometer na Skyway 3.

 

 

Gamit ang bagong toll fee matrix na mas mababa kaysa sa dating inihain na toll fees, magsisimula silang mangolekta lalo na para sa mga motoristang gagamit ng mas maikling distansya.

 

 

Binigyan ng Toll Regulatory Board (TRB) ang SMC ng toll operating permit at notice na maaari na silang mangolekta ng toll fee para sa Skyway 3 simula sa darating na Lunes.

 

 

“We would start collecting toll on the new elevated expressway on July 12 using a revised toll fee matrix that is lower than the original proposed toll fees, particularly for motorists traveling shorter-distances. We were given a toll operating permit and a notice to start collecting toll by the TRB on Skyway Stage 3,” wika ng SMC.

 

 

Ayon sa SMC kanilang ilalagay ang final na aprubadong toll rates sa mga toll plazas at ipapaskil sa social media pages ng SMC infrastructure sa mga darating na mga araw.

 

 

Noong nakaraang March, ang TRB ay pinayagan ang provisional toll rates para sa Class 1 vehicles ng P30 mula Sta. Mesa papuntang Ramon Magsaysay, P105 mula Buendia hanggang Sta.  Mesa, P129 sa Ramon Magsasay papuntang Balintawak, at P264 naman mula sa Buendia hanggang North Luzon Expressway (NLEX).

 

 

Ayon kay SMC president at chief operating officer Ramon Ang ang bagong toll matrix na ginawa at pinayagan ng TRB na ipatupad ay isinaalang-alang ang pandemya at iba pang epekto sa ekonomiya at mamayan ng bansa.

 

 

Pinasalamatan niya ang TRB dahil sa tulong na binigay nito upang magkaron ng equitable na toll rates para sa mga motorista. Dahil sa hirap ng panahon ngayon sanhi ng pandemya, ang maliit na ginhawa para sa motorista ay malaki ang maitutulong.

 

 

Sinabi rin ni Ang na ang toll na makukuha ng SMC ay makapagbibigay sa kanilang kumpanya ng revenues na kanilang gagamitin upang masiguro ang tuloy-tuloy na magandang operasyon, pagpapanatili at ligtas na driving conditions sa nasabing expressway.

 

 

“The tolls that SMC will collect would provide the company revenues to ensure continued efficient operation, maintenance and safe driving conditions on the elevated expressway. The toll rates also reflect SMC’s deferral of the collection of a substantial amount of the cost to build the Skyway 3 project,” dagdag ni Ang.

 

 

Dahil sa dami ng gumagamit ng expressway, ang maintenance cost ay lumalaki. Sa ngayon, mayron itong 200,000 na sasakyan ang gumagamit araw-araw at may 75,000 na motoristang di na dumadaan sa EDSA at C-5.

 

 

Ang SMC ang siyang gumastos sa nasabing proyekto na nagkakahalga ng P80 billion na walang government funds o guarantees at ito ay naging doble mula sa original cost upang makumpleto lamang ang proyekto.

 

 

Dahil sa hindi agad nagawa ang pangongolekta ng toll fees, nagpatong-patong din ang pagkalugi ng Skyway 3 kung saan ito ay binuksan partially noong nakaraang December at nagbukas ng tuloy-tuloy noong January.

 

 

Sinabi din ng SMC na kanilang agresibong tinapos ang Skyway 3 kahit na ang daming balakid tulad ng problema sa right-of-way at pandemya dahil kailangan ng mga mamayan ng isang pangmatagalan solusyon sa trapiko. Naniniwala rin si Ang na makakatulong din ito upang mapalakas ang ating ekonomiya at ng magkaron ng isang tuloy-tuloy na paglalakbay mula sa North at South Luzon.

 

 

Ang Skyway on-and off-ramps na ngayon ay bukas na ngayon July ay ang mga sumusunod: Buendia SB Exit at NB Entry; Quirino NB at SB Exit; Plaza Dilao SB Entry; Nagtahan SB at NB Exit; E. Rodriguez SB Exit; Quezon Ave. SB Exit at Entry; Quezon Ave. NB Exit at Entry; A. Bonifacio NB Exit; NLEZ NB Exit at NLEX SB Entry. (LASACMAR)

Other News
  • “ZOË KRAVITZ IS INSANELY SMART,” SAYS CHANNING TATUM OF THE FIRST-TIME DIRECTOR IN THE “FIRST LOOK FEATURETTE” FOR “BLINK TWICE”

    PREPARE for the perfect get[away] in “Blink Twice,” the feature directorial debut of Zoë Kravitz, starring Channing Tatum and Naomi Ackie.       “I’m a huge fan of the psychological thriller, horror genre,” says the first-time director, known for her roles in popular movies such as “X-Men: First Class” and the “Fantastic Beasts” films, […]

  • PAGTAAS NG KASO NG DENGUE, NAKITA SA 4 NA REHIYON

    NAKITAAN  ng pagtaas ng kaso ng dengue sa Zamboanga Peninsula, Cagayan Valley, Western Visayas, at Davao regions, ayon sa isang opisyal ng health department.     Sa  media forum, nilinaw ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na mga partikular na lugar at probinsya lamang ang naapektuhan ng pagtaas ng kaso ng dengue at hindi ang […]

  • MARK at NICOLE, proud and happy sa pagdating ni BABY CORKY

    SINILANG na ni Nicole Donesa ang baby boy nila ni Mark Herras noong January 31.     Sa Instagram post ni Mark, ang buong pangalan ni Baby Corky ay Mark Fernando Donesa Herras.     “Hi I’m Corky” caption pa ni Mark.     Sa IG Stories nila Mark at Nicole, nag-share sila ng videos […]