Slash price ‘yun na ka-presyo ng parking slot… CARLA, nilinaw na hindi P2M lang ang binebentang posh condo unit
- Published on March 18, 2022
- by @peoplesbalita
KLINARO ni Carla Abellana na hindi totoong P2M ang presyo ng pag-aaring condo unit sa may The Grove by Rockwell na matatagpuan sa E. Rodriguez Jr. Avenue, Pasig City.
Matatandaang pinost ni Carla ang kabuuan ng video ng unit niya noong Pebrero 28 para ipakita sa pubiko dahil ibinebenta na niya ito o long term lease.
Ang caption ng aktres sa video ay, “My condo unit at The Grove by Rockwell is still available for sale/lease!
“It is now below market value!
“And yes, everything you see inside the condo unit comes inclusive. It’s fully (and excessively) furnished! If they’re not your type, then go ahead and sell them to make money! It’s totally up to you.
“Of course parking (which alone costs more than 1M!) is included in the asking price already.
“I mean, come on, what a bargain!”
Marami ang nagulat sa post na ito ni Carla dahil ibig sabihin ay palugi na niya itong ibinebenta sa sinabi niyang ‘Its now below market value.’ Kaya marami rin ang nagka-interest nito.
Nasabay din kasi ang pagbenta ng unit sa isyung may problema sa pinansiyal ang aktres dahil ang naipon nilang pera ng asawang si Tom Rodriguez ay wala na dahil in-invest daw ito ng aktor sa party list na sinamahan niya pero hindi naman lumusot sa COMELEC.
Maituturing na mag-asawa pa rin sina Carla at Tom kahit magkahiwalay na sila dahil hindi pa naman sila annulled. Sa madaling salita magkahiwalay lang ng tirahan.
Going back to condo unit ay lumutang pa ang tsikang kaya ibinebenta ito ng aktres ay dahil ayaw niyang maalala na minsan ay tumira sila nito ni Tom at may tsismis din na dito dinala ng aktor ang umano’y naka-one night stand niya na kuwento ng biyenang si Rey ‘PJ’ Abellana na binawi ang sinabi dahil nagalit ang anak na si Carla.
And to set the record straight regarding the price of the condo unit, Carla posted some computations in her IG stories today kung magkano ang per square meter. Binura naman kung ilang square meters ang kabuuan ng unit nap ag-aari mismo ng aktres.
Aniya, “Hello, everyone! I needed to clarify the price of my Condo Unit at The Grove URGENTLY.”
At binilugan nito ang, “IT IS NOT WORTH 2M.
“Some press articles, including Sir Ogie Diaz’s video, are FALSE. They state that it is only worth 2M, which is NOT TRUE.
“I also bought the Condo Unit back in 2015, so the CCT is under my name only. Nobody has ever lived there because I bought it as an investment for myself and myself alone,” diin ni Carla.
Muli niyang binilugan, “P.S. Just so you have an idea, a parking slot ALONE costs 2M.”
“Thank you.”
May bilog ulit, “PS Please see next IG Story for the ACTUAL market value computation so you can do the math.
“Okay na po tayo? Please only believe me, my 3 official brokers and The Grove, hehe. THANK YOU, everyone!”
Dagdag pa, “I NEVER said that my The Grove Condo Unit is selling for 2M ONLY. Bakit ko po sasabihin yun kung hindi totoo? Hindi po ako click-baiter, si Tinder Swindler o si Anna Delvey (Google n’yo na lang po ‘yung mga yan)
“Paki Google narin po ang term na ‘Price SLASH”, “SLASHED PRICE’ o “price SLASH OFF.
May bilog ulit, “2M slashed off’ does not mean ‘2M NALANG.’”
“Gets na po ba? O sige po, mas klaruhin ko pa po ha? Ibig sabihin po ng ‘2M slashed off’ ay ‘2M po ang binawas.’ HINDI PO ‘2M nalang ang halaga.
“Sana okay na po at na-gets niyo na po. Tinagalog ko narin po para mas maintindihan po.
“Maraming salamat po! – C”
(REGGEE BONOAN)
-
4 tulak nalambat sa Navotas drug bust, P450K shabu nasamsam
SHOOT sa selda ang apat na hinihinalang tulak ng ilegal na droga matapos makuhanan ng mahigit P.4 milyong halaga ng shabu sa magkahiwalay na buy bust operation ng pulisya sa Navotas City. Sa ulat ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) kay Navotas police chief P/Col. Mario Cortes, nakatanggap sila ng impormasyon hinggil sa […]
-
Navotas LGU, tumanggap ng award mula sa AGAP
TUMANGGAP ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa ilalim ng pamumuno ni Mayor John Rey Tiangco ng 2023 AGAP Outstanding Accounting Office Award mula sa Association of Government Accountants of the Philippines (AGAP). Binati ni Mayor Tiangco ang ating lahat at nagpasalamat din siya sa City Accounting Office, sa pangunguna ni former City Accountant […]
-
BILANG NG MGA NAG-APLAY NG NEGOSYO SA MANILA LGU TUMAAS NG 42%
IBINIDA ng Bureau of Permits kay Mayor Isko Moreno Domagoso na tumaas ng 42% ang nag-aplay ng kanilang mga negosyo sa lungsod ng Maynila sa kabila ng kinakaharap na pandemya dulot ng COVID-19 sa bansa. Ayon kay Bureau of Permits Director Levi Facundo, nasa 911 bagong negosyo ang nagpatala ngayong taon 2021 mula Enero […]