BILANG NG MGA NAG-APLAY NG NEGOSYO SA MANILA LGU TUMAAS NG 42%
- Published on February 13, 2021
- by @peoplesbalita
IBINIDA ng Bureau of Permits kay Mayor Isko Moreno Domagoso na tumaas ng 42% ang nag-aplay ng kanilang mga negosyo sa lungsod ng Maynila sa kabila ng kinakaharap na pandemya dulot ng COVID-19 sa bansa.
Ayon kay Bureau of Permits Director Levi Facundo, nasa 911 bagong negosyo ang nagpatala ngayong taon 2021 mula Enero 1 hanggang Pebrero 7 para sa aplikasyon at pag-renew ng kanilang mga business permit.
Batay sa rekord ng Bureau, nasa 642 lamang ang nagbukas ng bagong negosyo noong taon 2020 habang nasa 480 bagong negosyo ang nag-aplay noong 2019 sa parehong panahon.
Gayunpaman, sinabi ni Facundo na bahagyang bumaba ang bilang ng mga nag-renew ng kanilang business permit ngayong taon kung saan umabot lamang ito ng 44,526. Ito ay 10.8% na mas mababa kumpara sa 49,956 na mga nag-renew ng kanilang permit noong 2020, habang ito ay 6% na mas mababa kumpara sa 47,553 na pag-renew sa 2019.
Ayon kay Facundo, isa sa mga dahilan sa pagtaas ng nasabing bilang ay ang mga programa na inilunsad ng lokal na pamahalaang lungsod ng Myanila upang suportahan ang mga lokal na negosyong lubhang naapektuhan ng pandemya.
“I believe that the more activity we do for the businesses will result to more productivity. Most of these new businesses are fruits from previous events,” ani Facundo. (GENE ADSUARA)
-
Pacquiao- Mayweather malabo na!
WALANG balak si undefeated American boxer Floyd Mayweather Jr. na muling makasagupa si eight-division world champion Manny Pacquiao sa isang laban. Kahit pa exhibition match, hindi ito papatusin ni Mayweather. Ito ang mariing inihayag ng American fighter matapos ang kanyang exhibition match kay Japanese mixed martial arts fighter Mikuru Asakura sa […]
-
KILOS PROTESTA, GINAWA SA HARAPAN NG COMELEC
NAGSAGAWA ng kilos-protesta ang iba’t ibang grupo sa tapat ng Palacio Del Gobernador o tanggapan ng Commission on Elections (Comelec) sa Intramuros, Maynila. Sa pinakahuling update ng Manila Police District (MPD) nagsimula ang rally alas 9 ng umaga ngunit natapos din alas 10:33 . Kabilang sa mga nagprotesta ang grupo ng […]
-
DOTr: Humihingi ng P164 B pondo para sa proyekto sa railways
Humihingi ang Department of Transportation (DOTr) sa Mababang Kapulungan ng pamahalaan ng pondong nagkakahalaga ng P164 billion para sa construction at maintenance ng pitong (7) rail lines sa Metro Manila sa taong 2024. Nakalagay sa 2024 National Expenditure Program ng pamahalaan, ang DOTr ay humihing sa Mababang Kapulungan ng kabuohang budget na […]