Slaughter, Badua asaran sa Twitter
- Published on February 18, 2020
- by @peoplesbalita
MALABO pa yatang matapos ang parang away-bata nina Philippine Basketball Association (PBA) star Greg Slaughter at netizen Edmond ‘Snow Badua sa social media na nagkaasaran sa ratratan nila gamit ang Twitter.
Inis ang Barangay Ginebra San Miguel slotman sa pagkakabitin ng kanyang playing career, walang bagong kontrata tatlong linggo na lang bago magbukas ang 45th PBA Philippine Cup 2020.
Nakatakdang pumailanlang ang naurong pang all-Pinoy conference ng pro league sa darating na Marso 8 sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City.
Inihayag sa nakalipas na linggo ni Gregzilla na magbabakasyon muna siya sa paglalaro nang mabatid niya na nasa trading block siya para kay NorthPort center Christian Standhardinger.
Pakiram ng 31-anyos, may-taa na 7-foot na Fil-Am cager, sa halip na damayan siya nang maraming kaaway sa socmed na si Badua, pambubuska pa aniya ang inabot niya.
“Comeback stronger, Greg. I heard they are throwing the PBA book on you, which means you can be banned forever. I hope I don’t one day see you in the same club where Calvin (Abueva) and I are currently in. Defer your leave of absence and let’s see what happens.You’re one of my idols,” tweet ni Badua sa Gin Kings center.
Agad namang tumugon nang mala-Game of Thrones reference tweet ang sentro matapos maglabas ng litratong may caption na ‘You know nothing, Jon Snow’ isang quote mula sa series na Game of Thrones.
Pero hindi pa roon natapos ang lahat.
Muling rumesbak si Snow kay Greg nang maglabas naman ng litrato ni Barneys na malungkot na nagmumukmok sa isang sulok at may caption na “They say I’m a clown” bilang bira balak na maagang pagku-quit ni Greg sa unang ligang propesyonal sa sport sa Asya at ‘Pinas.
Nakaaway din sa socmed sa nagdaan lang na linggo ni Badua si Talk N’ Text player Bobby Ray Parks Jr.
Hay naku Mons (Badua) tigilan mo na ‘yan. Dumarami na ‘bespren’ mo. Sige ka.
-
Ryan Reynolds, Reveals Behind-The-Scenes Images Wearing His ‘Deadpool’ Suit Again
RYAN Reynolds reveals behind-the-scenes images of himself wearing the Deadpool suit. It’s been a few years since the actor last reprised his comic book role via David Leitch‘s Deadpool 2 from 2018. Since then, a lot has already happened, including the character now confirmed to be under Marvel Studios, with Deadpool 3 currently in the works. In the meantime, the actor has […]
-
Hawaan ng COVID-19 sumipa sa 45% nitong Enero 4 – OCTA
Sumipa na sa 45 percent ang hawaan ng COVID-19 sa Metro Manila nitong nakalipas na Enero 4, mas mataas sa dating 40 percent positivity rate sa Kalakhang Maynila. Bunga nito, inaasahan ng OCTA Research Group na pumalo ang bagong COVID-19 cases sa kada araw sa 10,000 hanggang 11,000 dagdag na kaso ng virus. […]
-
MMDA, ipinag-utos ang 5-day closure ng mga sementeryo
NAGKAISA ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), at ang mga Alkalde ng National Capital Region na irekomenda ang pansamantalang pagsasara sa lahat ng sementeryo at public memorial parks para maiwasan ang pagsipa ng Covid-19 cases bago at sa panahon ng All Saints’ Day at All Souls’ Day. Inaprubahan ng Metro Manila Council, kinabibilangan ng […]