Slaughter magbababalik na sa Barangay Ginebra San Miguel
- Published on February 6, 2021
- by @peoplesbalita
MAGBABALIK na sa Barangay Ginebra San Miguel para sa 46th Philippine Basketball Association (PBA) 2021 Philippine Cup na magbubukas sa darating na Abril 9 ang kontrobersiyal na si Gregory William ‘Greg’ Slaughter.
Kinumpirma ni Earl Timothy Cone ang bagong kaganapan sa Gin Kings sa pamamagitan ng Twitter nitong Miyerkoles ng gabi.
“No answers yet, except that Greg is signed,” tugong ng coach ng alak sa pag-uusisa ng isang netizen sa social media.
Sumagwa ang relasyon ng BGSM at ‘Gregzilla’ nang magpasyang basta na lang magtungo sa Estados Unidos para maglimayon ang una pagkawakas ng lumang kasunduan sa San Miguel Corporation franchise noong Enero 2020.
Idinahilan niyang hindi siya kinausap ni SMC Sports Director, Ginebra Governor at Team Manager Alfrancis Chua para sa sa ekstensiyon ng kasunduan pagkakampeon noon ng koonan sa Governors’ Cup.
Pero sinopla siya ng opisyal at giniit na responsibilidad ng 32-year-old, seven-foot cager na ipaalam sa kanya ang kalagayan ng player, kagaya sa pagkapaso ng dati niyang kasunduan sa koponan. (REC)
-
PDu30 nanindigang hindi sisibakin si Duque
SINABI ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na tatanggapin niya ang alok ni Health Secretary Francisco Duque III na magbitiw sa tungkulin subalit hindi niya ito kailanman sisibakin sa puwesto. Ang pahayag na ito ng Pangulo ay sa gitna ng naging panawagan ng publiko na palitan na si Duque bilang kalihim ng Department of Health […]
-
Tradisyunal na pagtitipon, bawal muna – QC LGU
LIMITADO na ngayon ang tradisyunal na mga pagtitipon sa lungsod Quezon. Ito ay dahil ipinagbabawal na ng lokal na pamahalaan ang iba’t ibang uri ng malakihang mga pagtitipon sa lungsod upang maiwasan ang paghahawaan ng COVID-19. “Dahil inaasahan na natin ang mga pagtitipon sa mga piyesta, Chinese New Year at iba […]
-
Makakasama sina Gabbi, Sanya at Kylie: SUNSHINE, balik-Kapuso na after ng isang project sa Kapamilya network
MATAPOS ipaghanda at imbitahan ni Bea Alonzo sa isang merienda-dinner para sa kanilang Aeta neighbors sa Beati Farm sa Iba, Zambales, pinaratangan pa siya ng isang netizen na may Twitter account na @ALOyoutoo. Inagaw raw niya ang lupa na pag-aari ng mga katutubo at tweet nito, “That’s nice, now how about giving their […]