SLP tutuklas ng bagong talento sa Pilipinas
- Published on March 8, 2022
- by @peoplesbalita
HAHANAP ang Swim League Philippines (SLP) ng mga bagitong tankers sa iba’t ibang panig ng Pilipinas sa pagdaraos nito ng 2022 Finis Short Course Swim Competition Series.
Unang aarangkada ang Luzon Leg na idaraos sa Marso 26 hanggang 27 sa New Clark City Swimming Pool sa Capas, Tarlac upang mabigyan ng tsansa ang mga nasa rehiyon para magpasiklab.
Darayo rin ang national series sa Visayas para naman sa second leg ng torneo na gaganapin sa Abril 23 hanggang 24 habang aariba din ang Mindanao Leg sa Mayo 28 hanggang 29.
Gaganapin naman ang National Finals sa Hunyo 4 hanggang 5.
Ang torneo ang magsisilbing qualifying para sa international competitions na lalahukan ng SLP sa Japan, Australia, France, US, Canada, Singapore, Thailand at Hong Kong.
“This event is open to all young and aspiring swimmers who want to be part of the SLP team competing in different international tournaments. We are looking forward to discovering more fresh talents,” ani SLP chairman at Behrouz Elite Swimming Team (BEST) team manager Joan Mojdeh.
Paglalabanan ang medalya sa walong kategorya 6-under, 7 to 8 years old, 9 to 10 years old, 11 to 12 years old, 13 to 14 years old, 15 to 16 years old, 17 to 18 years old at ang 19-above.
-
Mojdeh pasok sa World Cup
Babanderahan ni Micaela Jasmine Mojdeh ang national swimming team na sasabak sa prestihiyosong 2024 World Aquatics (WA) Swimming World Cup na idaraos sa tatlong magkakahiwalay na venues. Isa si Mojdeh sa 16 swimmers na nagkwalipika matapos ang isinagawang qualifying event ng Philippine Aquatics Inc. kamakailan sa Rizal Memorial swimming pool. Masaya […]
-
Sanib-puwersa kasama si Vilma sa ‘Uninvited’
SI Vilma Santos sana ang makakasama ni Judy Ann Santos sa entry ng Quantum Films sa 50th Metro Manila Film Festival. Nag-back out lang ang Star for All Seasons, at pinalitan siya ni Lorna Tolentino. Ang pelikulang ‘Espantaho’ na first time sanang magsama sa movie ang dalawang tinitingalang Santos, directed by Direk Chito […]
-
Carly abala sa gym
KAHIT hindi pa nagbabalik ang Philippine SuperLiga (PSL) women’s indoor volleyball dahil sa pitong buwang Covid-19, todo pakondisyon niya si Carlota ‘Carly’ Hernandez ng Marinerang Pilipina Lady Skippers. Pinaskil sa Instagram story nitong isang araw, ang kondisyong porma at hubog ng katawan ng 21-anyos, 5-5 ang taas na dalagang taga-Sta. Rosa, Laguna sa isang […]