• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

SMB niresbakan ang Meralco

NAGPASABOG si import Shabazz Muhammad ng 57 points para ibangon ang San Miguel mula sa 26-point deficit at balikan ang Meralco, 115-110, sa PBA Governors’ Cup  sa Smart Araneta Coliseum.

 

 

Ang ikalawang sunod na panalo ng Beermen (7-4) ang naglapit sa kanila sa inaasam na ‘twice-to-beat’ incentive sa quarterfinals at inilatay sa Bolts (6-4) ang ikatlong dikit na pagkatalo.

 

 

Nagtala rin ang five-year NBA veteran ng 19 rebounds at may 16, 13 at 10 markers sina six-time PBA MVP June Mar Fajardo, Vic Manuel at Marcio Lassiter, ayon sa pagkakasunod.

 

 

“I told my teammates once my shots gets in, people will be in trouble,” sabi ni Muhammad. “That was a great win.”

 

 

Itinayo ng Meralco ang 26-point lead, 72-46, sa pagsilip ng third quarter.

 

 

Ngunit sa likod ng hinataw ni Muhammad na 24 points sa nasabing yugto ay nakadikit ang San Miguel sa 92-83 sa pagtatapos nito.

 

 

Kumamada pa si Muhammad ng 15 markers, tampok ang tatlong tres, sa unang limang minuto ng final canto para sa 100-98 bentahe ng Beermen sa 8:38 minuto nito.

 

 

Huling napasakamay ng Bolts ang 110-107 kalama­ngan mula sa dalawang free throws ni import Tony Bishop sa 1:38 minuto ng laro.

 

 

Sa unang laro, pi­naigting ng NorthPort (5-5) ang kanilang tsansa sa quarterfinals matapos agawin ang 124-117 pa­nalo kontra sa talsik nang Terrafirma (2-8) para sa kanilang pang-limang dikit na pananalasa.

 

 

Kumubra si import Jamel Artis ng 31 points, 8 rebounds at 8 assists at may 28 at tig-21 markers sina Arwind Santos, Robert Bolick at Jamie Malonzo, ayon sa pagkakasunod.

Other News
  • Ads August 30, 2022

  • 171 kabataang Bulakenyo, lumahok sa Summer Sports Clinic 2022

    LUNGSOD NG MALOLOS – May 171 kabataang Bulakenyo ang lumahok sa isinagawang Summer Sports Clinic 2022 Mass Graduation kamakailan sa Bulacan Capitol Gymnasium sa lungsod na ito.     Ayon sa Provincial Youth, Sports, and Public Employment Service Office (PYSPESO), ginanap ang nasabing sports clinic sa Bulacan Sports Complex sa Brgy. Santa Isabel mula Mayo […]

  • Ads September 13, 2022