• November 16, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Snatcher kinulata ng bystanders sa Valenzuela, kasama nakatakas

NABUGBOG na, kulong pa ang isang snatcher matapos hablutin ang cellphone ng isang pedestrian habang nakatakas naman ang kanyang kasabwat sa Valenzuela City.

 

 

Kinilala ni PCpl Yves Alvin Savella ng Sub-Station-9 ng Valenzuela police ang naarestong suspek bilang si Eugin Kim Ocfemia, 27, ng Barangay Veinte Reales habang nakatakas naman ang kasama nito na kinilalang si Jasper Milario, ng Barangay Lingunan.

 

 

Sa pinagsamang imbestigasyon nina PSSg Julius Congson, PCpl Julius Bernardo, at PCpl Raquel Anguluan, nagsi-cellphone si Andy Morilla, 27, habang naglalakad sa kahabaan ng F. Alarcon St., Barangay Maysan dakong alas-10:15 ng gabi nang biglang hinablot ang kanyang cellphone ng mga suspek na sakay ng isang motorsiklo.

 

 

Isang rider, Grab at Lalamove rider ang nakakita sa insidente at tumulong na habulin ang mga suspek hanggang sa harangin naman ng mga bystanders ang mga ito bago pinagtulungan romansahin ng bugbog si Ocfemia habang nagawang makatakas ni Milario.

 

 

Narekober sa naarestong suspek ang cellphone ng biktima na nasa P9,000 ang halaga, dalawang pirasong kuwintas, isang pares ng hikaw at gamit nilang motorsiklo sa illegal nilang gawain

 

 

Nagpaalala naman si Valenzuela City police chief Col. Salvador Destura Jr sa publiko na maging mapagbantay habang naglalakad sa lansangan habang kinasuhan naman si Ocfemia ng theft (snatching). (Richard Mesa)

Other News
  • P50 MILYONG PONDO IPINAG-KALOOB SA 10 OSPITAL SA LUNGSOD QUEZON

    SAMPUNG ospital sa Lungsod Quezon ang pinagkalooban ng P50-milyong pondo sa ilalim ng medical access program (MAP) ni Senador Joel Villanueva nitong Miyerkules.     Sa kanyang talumpati, sinabi ni Quezon City Mayor Belmonte “Ito ay talagang maliwanag na indikasyon ng kanilang unwavering commitment para matulungan ang buhay ng mga Pilipino.”     Ang punong […]

  • Requests, proposals ng Estados Unidos ukol sa EDCA, kasalukuyang sinusuring mabuti-PBBM

    NIREREPASO ngayong mabuti ng Malakanyang ang “requests at proposals” ng Estados Unidos  kaugnay sa  Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA).     Binanggit ito ng Chief Executive sa isang event sa Quezon City nang tanungin ukol sa nirerepasong Mutual Defense Treaty,  isang 70-year-old accord na nag-aatas sa Estados  Unidos na idepensa ang Pilipinas mula sa anumang […]

  • Pamamahagi ng fuel subsidy para sa mga PUV drivers, target hanggang March 25 – DOTr

    UMAPELA ang Department of Transportation (DOTr) ng pag-unawa sa ilang PUV (public utility vehicle) drivers na makakaranas ng delay sa matatanggap na fuel subsidy kasunod ng ilang serye nang pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.     Sinabi ni Transportation Secretary Arthur Tugade na hanggang Marso 25 nila target maibigay sa mga PUV drivers […]