Sobrang na-touch dahil sa pa-block screening: ‘Rewind’ nina MARIAN at DINGDONG, blockbuster at balitang naka-368 million na
- Published on January 3, 2024
- by @peoplesbalita
SUPER-TOUCHED sina Marian Rivera at Dingdong Dantes sa pa-block screening ng mga may-ari ng Nailandia nail spa and salon ng pelikula nilang ‘Rewind’.
Bukod kasi sa endorser si Marian ng Nailandia sa halos mahigit sampung taon na ay hindi na matatawaran ang pagkakaibigan nina Marian at Nailandia owner Noreen Divina.
Kaya naman as a gesture of friendship at suporta ay nagpa-block screening si Noreen at mister niyang si Juncynth Divina ng ‘Rewind’ sa EDSA Shang Mall cinema noong December 26.
Siyempre naman ay personal na dumalo sina Marian at Dingdong, pati na rin ang talent manager na parehong malapit kina Marian at Noreen, si Rams David ng Artist Circle Management at ang aktres na si Shyr Valdez na malapit nang mapanood sa ‘Love. Die. Repeat.’
Matapos mapanood ang pelikula ay mugto ang mga mata nina Noreen, Shyr at Rams sa pag-iyak dahil sa ganda ng pelikula at husay nina Marian at Dingdong.
Sa ‘Rewind’ block screening ay mahigpit na nagyakapan sina Noreen at Marian na isang pagpapakita na hindi lamang bilang endorser ng kanilang nail salon and spa ang turing ni Noreen sa GMA Primetime Queen kundi bilang isang matalik na kaibigan.
Mahigit isang dekada na ang friendship ng dalawang reyna, isang reyna ng telebisyon at pelikula at isang reyna ng nail salon and spa industry.
Samantala, wala mang napanalunang award sa Metro Manila Film Festival’s Gabi Ng Parangal ay patuloy na nangunguna sa takilya ang ‘Rewind’.
Bali-balita na ₱368 million ang kinita sa unang linggo nito sa mga sinehan at hanggang ngayon sa pinipilahan pa rin ng mga manonood.
***
TULOY pa rin ang pagbibigay ng parangal ng Philippine Movie Press Club (PMPC) sa mga natatanging OPM artists sa paglabas ng mga nominado para sa 14th Star Awards for Music.
Pangungunahan ng dalawang OPM icons ang mga bibigyan ng parangal. Igagawad kay Hajji Alejandro, na tinaguriang original Kilabot ng mga Kolehiyala, ang Pilita Corrales Lifetime Achievement Award. Habang tatanggapin naman ng tanyag na hitmaker at songwriter na si Rey Valera ang Parangal Levi Celerio Lifetime Achievement Award.
Sino kaya sa mga nominado ang mag-uuwi ng mga parangal lalo na iyong nakatanggap ng multiple nominations gaya nina Zack Tabudlo, Moira Dela Torre, Maymay Entrata, SB19, Ben&Ben, Morissette, KZ Tandingan, at Belle Mariano?
Ang 14th Star Awards for Music ay mapapanood via online na ididirehe ni Pete Mariano.
Narito ang ilang sa mga nominado:
ALBUM OF THE YEAR
• Borbolen – Parokya ni Edgar (Universal Records)
• Episode – Zack Tabudlo (UMG Philippines/Island Records Philippines)
• Halfway Point – Moira Dela Torre (Star Music)
• MPowered – Maymay Entrata (Star Music)
• Pagsibol – SB19 (Sony Music)
• Pebble House Vol. Kuwaderno – Ben&Ben (Sony Music Philippines)
• Trophy – Morissette (Underdog Musix PH)
SONG OF THE YEAR
• Amakabogera – Maymay Entrata (Star Music)
• Binibini – Zack Tabudlo (UMG Philippines/Island Records Philippines)
• Ikaw at Ako – Moira Dela Torre/Jason Marvin (Star Music)
• Mapa – SB19 (Sony Music)
• Nang Dumating Ka – Bandang Lapis (Viva Records)
• Paraluman – Adie (O/C Records)
• Sigurado – Belle Mariano Daylight (Star Music)
FEMALE RECORDING ARTIST OF THE YEAR
• Angeline Quinto (‘Huwag Kang Mangamba’ / Star Music)
• Ice Seguerra (‘Wag Kang Aalis’ / Universal Records)
• Jona (‘Init Sa Magdamag’ – Tarsier and Star Music)
• KZ Tandingan (‘Dodong’ / Star Music)
• Moira Dela Torre (‘Ikaw at Ako’ / Star Music)
• Morissette (‘Shine’ / Tarsier and Star Music)
• Yeng Constantino (‘Kumapit’ / Star Music)
MALE RECORDING ARTIST OF THE YEAR
• Arnel Pineda (‘Cardo Dalisay’ / Tarsier and Star Music)
• Arthur Nery (‘Iisa Lang’ / Viva Records)
• Erik Santos (‘Sigaw ng Puso’ / Star Music)
• Juan Karlos Labajo (‘Boston’ / MCA MusicBlanco)
• Mark Carpio (‘Para Sayo Lang’ / Viva Records)
• Rico Blanco (‘Pinoy Ako’ / Tarsier and Star Music)
• Zack Tabudlo (‘Binibini’ / UMG Philippines / Island Records Philippines)
DUO/GROUP ARTIST OF THE YEAR
• Ben&Ben (‘Pasalubong’ / Sony Music Philippines)
• Itchyworms (‘Eto Ang Maligayang Araw’ / Sony Music)
• Lola Amour (‘Closer Than Before’ / Warner Music Philippines)
• Parokya ni Edgar (‘Borbolen Album’ / Universal Records)
• SB19 (‘Mapa’ / Sony Music) • Sponge Cola (‘Alamat’ / Sony Music)
• The Juans (‘Dulo’ / Viva Records)
• This Band (‘Wala Ka Ng Magagawa’ / Viva Records)
MUSIC VIDEO OF THE YEAR
• Amakabogera – Maymay Entrata (Star Music) Director: Amiel Kirby Balagtas
• Asa Naman – Maris Racal (Sony Music) – Director: Rico Blanco and Maris Racal
• Bazinga – SB 19 (Sony Music)- Jonathan Tal Placido
• Dodong – KZ Tandingan (Star Music)- Director: Niq Ablao
• Fix Me – Jake Zyrus (Star Music)- Director: Edrex Clyde Sanchez
• Soda – James Reid (Careless Music) – Director: Judd Figuerres
• The Light – BGYO (Star Music)- Director: Kring Kim
CONCERT OF THE YEAR
• Freedom – Regine Velasquez – (ABS-CBN Events)
• L’ Art De Sheree- Sheree (Shereeontoptv Productions)
• Limitless – Julie Anne San Jose | Synergy and GMA Network
• Love United – Sheryn Regis – (Mak Entertainment)
• MPowered – Maymay Entrata- (ABS-CBN Events )
• Tala: The Film Concert – Sarah Geronimo (Viva Entertainment)
• Youtube Music Night… Hearts on Fire: Juris and Jed (ABS CBN Music)
• YouTube Music Night….Love, Jona (ABS-CBN Music)
MALE CONCERT PERFORMER OF THE YEAR
• Ely Buendia – Superproxies (Lighthouse Events and Dvent Productions)
• Ian Veneracion ” Virtually Yours, Kilabotitos (A-Team and Frontrow )
• Jed Madela – Youtube Music Night… Hearts on Fire: Juris and Jed (ABS-CBN Music )
• Ogie Alcasid – Virtually Yours, Kilabotitos | A-Team and Frontrow
FEMALE CONCERT PERFORMER OF THE YEAR
• Jona – YouTube Music Night…Love, Jona (ABS-CBN Music )
• Julie Anne San Jose – Limitless – | Synergy and GMA Network
• Juris – Youtube Music Night… Hearts on Fire: Juris and Jed (ABS-CBN Music)
• Maymay Entrata – MPowered (ABS-CBN Events )
• Regine Velasquez – Freedom (ABS-CBN Events)
• Sarah Geronimo – Tala: The Film Concert ( Viva Entertainment)
• Sheryn Regis – Love United ( Mak Entertainment )
DUO/GROUP CONCERT OF THE YEAR
• Ben&Ben – Ben&Ben Live! ( Ben&Ben Music Production and Smart
• Neocolours -Tuloy Pa Rin: A Fundraising Virtual Concert (UP Law Class 1996 Alumni Association)
•Southborder – The Southborder Reunion Concert (Chooks To Go and MPBL)
• SB19- Our Zone: SB 19 Third Anniversary Concert (ShowBT Entertainment)
POP ALBUM OF THE YEAR
• Bitaw Na – JMKO (Star Music)
• Daylight – Belle Mariano (Star Music)
• Golden Arrow – BINI (Star Music)
• Kbye – Alamat (Viva Records)
• Morissette 14 Vol. 2 – Morissette (Flasher Factory)
• Pagsibol – SB19 (Sony Music)
• The Light – BGYO (Star Music)
MALE POP ARTIST OF THE YEAR
• Darren Espanto – (‘Tama Na’ / UMG Philippines)
• Garrett Bolden (‘Our Love’ / GMA Music)
• Iñigo Pascual – (‘Neverland’ /Tarsier and Star Music)
• James Reid – (‘Soda’ / Careless Music)
• KD Estrada – (‘Saves It’ / Star Music)
• Marlo Mortel – (‘Ready to Start’ / PolyEast Records)
• Sam Concepcion (‘Diwata’ / Tarsier and Star Music)
FEMALE POP ARTIST OF THE YEAR
• Belle Mariano – (‘Daylight’ / Star Music)
• Catriona Gray – (‘R.Y.F.’ / Star Music)
• Gigi De Lana – (‘Bakit Nga Ba Mahal Kita’ / Tarsier and Star Music)
• Hannah Precillas – (‘Kulang Ang Sandali’ / GMA Music)
• Jayda Avanzado – (‘Paano Kung Naging Tayo’ / Star Music)
• Kim Chiu – (‘Kimmi’ / Starpop and Star Music)
• Maymay Entrata – (‘Amakabogera’ / Star Music)
• Nadine Lustre – (‘Wait for Me’ / Careless Music)
(ROMMEL L. GONZALES)
-
Munhoz nagpositibo sa COVID-19
Ang nasabing anunsiyo ay isinagawa bago ang laban nito kay dating UFC lightweight world champion Frankie Edgar sa darating na Hulyo 15. Dahil sa pangyayari ay hindi na matutuloy na sasabak ang Brazilian bantamweight fighter. Gaganapin ang laban ng dalawa sa Fight Island sa Abu Dhabi. Nagbigay naman ng panghihinayang at asam […]
-
PNPA, extended ang lockdown
Palalawigin pa ang lockdown na umiiral sa Philippine National Police Academy (PNPA) sa Silang, Cavite. Kasunod ito ng panibagong 232 cadets at 11 personnel ng Camp Castañeda na nagpositibo sa COVID-19 test. Ayon kay PNP Academy spokesperson Lieutenant Colonel Byron Allatog, pawang asymptomatic ang mga ito, ngunit kailangan pa ring obserbahan at bigyan […]
-
‘Di na raw maghihiwalay: SHARON, inako na ang pagiging nanay kay ALDEN
MEGASTAR Sharon Cuneta and Asia’s Multimedia Star Alden Richards will play mother and son sa movie titled “A Mother & Son’s Story.” First time na magkakasama sila sa isang project at pwede naman silang mag-ina na nga dahil ang eldest daughter ni Sharon, si KC Concepcion turned 38 years old na last April […]