• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sobrang saya sa billboards nila ni Gela: SYLVIA, forever grateful and thankful sa Kapamilya Network

FOREVER grateful and thankful ang premyadong aktres na si Sylvia Sanchez sa Kapamilya Network, ang kanyang mother studio simula pa noong 1997.

 

 

Sa kanyang Instagram post, kasama ang photos nila ng asawang si Papa Art Atayde, ang magkasintahan na sina Ria Atayde at Zanjoe Marudo.
Ang mga larawan ay makikitang kuha sa rooftop ng isang building na kung saan natatanaw ang tower ng ABS-CBN.

 

 

Nilagyan ito ng caption ni Ibyang ng, “Caught a glimpse of home today. Will forever be grateful for the opportunities my home network has given me and even more, for the livelihood they helped secure for me and my family since 1997.

 

 

“Though so many things have changed, one thing remains the same — I will always be a Kapamilya.”
Kasama ang mga hashtags na #thankful #forevergrateful ❤️💚💙.

 

 

Pinusuan naman ito ng mga celebrity at netizens na natutuwa sa pag-i-stay niya sa Kapamilya network kahit wala na itong franchise.

 

 

“Thank you Ms. Ibyang for sticking with Kapamilya and for always being a Kapamilya.”
“Thank u po Ms Sylvia for being loyal to abs cbn God bless po.”
“Matagal ng artista kasi si Sylvia. At sa ABS-CBN lang sya naging household name via The Greatest Love teleserye. Kumbaga sa ABS lang sya nagkaroon ng lead role. At sa ABS din nakilala sina Arjo at Ria. Kaya forever grateful sya sa network na nagpasikat sa kanila.”
“Yan ang gusto ko sa tao – marunong tumanaw ng utan ng loob at magpasalamat.”
“May maternal vibe ito si Sylvia na tipong sya yung nanay na ang sarap uwian kasi may masarap na food sa bahay.”

 

 

Marami rin ang nakapansin kina Z at Ria, na bagay na bagay raw na mag-dyowa.

 

 

“Super bagay si Z and Ria.”
“Proud daw sya jowa ng anak nya si Z at love daw sya unconditionally.”
“Mas gwapo si Zanjoe dyan sa casual shots than sa Dirty Linen or ibang teleserye.”
“Ang pogi lalo ni Z nagdala ng bag ng gf niya.”
“Nakakatuwa si Zanjoe, di nahihiyang mag carry ng bag ng GF!!”
“Ganda ng mukha ni Ria.”
“Super. Di na kailangan mag effort. Maganda na talaga.”
“True. Ako din gandang ganda sa kanya. Sya ung usually na chubby and pretty face.”

 

 

Samantala, nag-uumapaw rin ang kaligayahan ni Sylvia sa bago nilang billboard ng isa pa niyang anak na si Gela Atayde, na kung saan pareho silang endorser ng Bench, na makikita sa EDSA-Guadalupe.

 

 

Simple lang ang caption niya na, “Dream come true ❤️”, kasama ang video at photo ng billboards na kuha mula sa isang helicopter.

 

 

Say pa ni Ibyang, “nakakatuwa lang at sa tanda kong to nagka-billboard pa at katabi ko pa si Gelatin ko.”

(ROHN ROMULO)

Other News
  • JINGGOY, ipinasilip ang puntod na pinagawa ni ERAP

    IPINASILIP na ni former Senator Jinggoy Estrada sa kauna-unahang pagkakataon ang puntod na pinagawa mismo ng kanyang ama na si dating Pangulong Joseph “Erap” Ejercito Estrada, sa Tanay, Rizal.   Isa ito sa mga dapat abangan sa bagong episode ng YouTube channel ni Jinggoy na Jingflix.ph kung bakit nga ba nagpagawa ng kanyang puntod si […]

  • MEET CHANG’E, CHIN, AND GOBI IN THE NEWEST ‘OVER THE MOON’ TRAILER!

    OVER the Moon is the newest animated musical film coming to Netflix, and it’s set to launch globally this October 23!   Just a month before it premieres, Netflix drops the second trailer to the film. This time, it gives us a glimpse on our main characters — Fei Fei, Chin, Chang’e, and Gobi — […]

  • May appreciation post sa kanyang mom and dad: GABBI, sinamantala na makapagbakasyon sa Amerika kasama si KHALIL

    NAG-ANNOUNCE na si Kapuso Primetime King and host of the number one game show ng GMA-7, ang “Family Feud” sa kanilang mga avid viewers na pwede na silang makapanood ng hulaan LIVE sa Family Feud Philippines stage.       Mag-register sa gmanetwork.com/FamilyFeudAudience para makasama bilang Studio Audience ngayong Saturday, September 3, 2022.  Registration is open until 7:00PM […]