• March 16, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Social security protection sa barangay officials, tiniyak ng SSS

ISINULONG ni Social Security System (SSS) President and Chief Executive Officer Rolando Ledesma Macasaet na maging miyembro ng SSS ang mga barangay official sa buong bansa upang makatanggap ng lifetime monthly pension oras na magretiro ang mga ito sa serbisyo.

 

“Many of our barangay officials and workers serve their constituents for 10 or 20 years. However, when they retire from public service, they do not get any separation pay or monthly pension. Now, through the SSS membership, we are offering you an opportunity to get a monthly pension when you retire from being a barangay official,”sabi ni Macasaet .

 

Binigyang diin ni Macasaet na kailangang kumuha na ng mga nabanggit ng SS number at magsimulang pagbayad ng kanilang monthly contributions upang awtomatikong magkatoon ng social security coverage mula sa SSS.

 

Anya, oras na makapagbayad ng kahit 120 monthly SSS contributions ay makakatanggap na ang mga ito ng lifetime monthly pension oras na sila ay magretiro.

 

‘Aside from retirement benefits, you will be entitled to sickness, maternity, disability, unemployment, funeral, and death benefits.” paliwanag pa ni Macasaet.

 

Dapat din anyang samantalahin ng mga barangay officials ang ibat ibang SSS loan programs tulad ng salary at calamity gayundin ng dagdag na coverage mula sa Employees’ Compensation (EC) Program para sa work-related sickness o injury na nagresulta ng pagkamatay o anumang kapansanan.

Other News
  • Mula sa luggage hanggang restrooms: DOTr chief Bautista, isiniwalat ang mga problema sa NAIA

    TINAPIK at binigyan ng listahan ni Transportation Secretary Jaime Bautista ang Manila International Airport Authority (MIAA)  hinggil sa  masasabing overall passenger experience sa  Ninoy Aquino International Airport (NAIA).     Isa na ayon kay Bautista ang  “delayed release” ng mga luggages.     Tinukoy nito ang nangyaring insidente sa Terminal 2 kamakailan matapos makatanggap ng  […]

  • Wanted na rapist, nadakma sa Caloocan

    KALABOSO ang isang lalaki na wanted sa kaso ng panggagahasa sa isang menor-de-edad na babae matapos madaki sa ginawang manhunt operation ng pulisya sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.     Tinugis ng pinagsanib na mga tauhan ng Sub-Station 13 ng Caloocan Police, Warrant and Subpoena Section (WSS), at Batasan Sub-Station 6 ng Quezon City […]

  • 78 EMPLEYADO NG BI, NAHAWAAN NG COVID 19

    INIHAYAG ng Bureau of Immigration (BI) na 78 na  sa kanilang  rank and file  na mga empleyado ay nahawaan na ng COVID 19.   Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente na sa 78 nilang empleyado na nahawaan sa virus, 29 sa kanila ay naka-recover na habang 1 sa kanila ay in-admit sa ospital.   Dagdag […]