• June 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Social Services One-Stop Shop, binuksan sa Navotas

PARA mapadali ang pagkuha at pagbibigay ng social services o mga serbisyong tumutugon sa kapakanan ng publiko, pinasinayaan ng pamahalaang lungsod ng Navotas ang social services one-stop shop sa Navotas City Hall compound.

 

Pinangunahan ni Mayor Toby Tiangco, kasama sina Congressman John Rey Tiangco at iba pang opisyal ng lungsod at barangay, ang pagbabasbas at ribbon-cutting ng NavoServe sa Navotas City Hall Annex.

 

“Ang mga taong dumudulog sa city hall at kumukuha ng social services ay mula sa mahihirap na sektor ng ating komunidad. Upang maibsan kahit kaunti ang kanilang mga pasanin, kailangan nating siguruhin na nakukuha nila ang tulong na kanilang kailangan sa komportable, madali at maginahawang paraan,” ani Mayor Tiangco.

 

Sa kabilang banda, pinaalalahanan ni Cong. Tiangco ang mga kawani ng pamahalaang lungsod na palagiang maglingkod nang may pagmamalasakit at pagkalinga.

 

“Karaniwan sa mga taong pumupunta dito upang humingi ng tulong ay hirap sa buhay. Sikapin natin na mapaglingkuran sila nang may respeto at pagkalinga,” aniya.

 

Sa NavoServe pinoproseso ang mga dokumentong kailangan sa pagkuha ng tulong mula sa pamahalaan, kasama dito ang sertipikasyon mula sa City Information and Communications Technology Office (ICTO), certificate of indigency, at social case study.

 

Makukuha din dito ang mga serbisyong tulad ng Navotas Hospitalization Program (NHP); medical assistance mula kay Mayor Tiangco; Commission on Higher Education (CHED) educational assistance and medical assistance mula kay Cong. Tiangco; pagproseso ng senior citizens and persons with disability (PWD) ID at booklet; at burial assistance.

 

Ang one-stop shop ay tumutugon din sa mga senior citizen na kumukuha ng kanilang P500 NavoRegalo at sa mga PWD na mag-aaral na kumukuha ng kanilang educational assistance. (Richard Mesa)

Other News
  • Pinangunahan ni Hidilyn Diaz ang PH team sa world weightlifting championship

    Ibinandera ng unang Olympic gold medalist ng Pilipinas na si Hidilyn Diaz ang mga elite cast ng mga weightlifter kapag nakakita sila ng aksyon sa 2022 IWF World Championships sa Disyembre 5 hanggang 16 sa Bogota, Colombia.   Sasabak si Diaz sa women’s 55kg class – ang parehong weight division kung saan nanalo siya ng […]

  • P2.4-B na ang refund sa mga nakanselang flights – Cebu Pacific

    KINUMPIRMA ng Cebu Pacific Air na umaabot na sa P2.4 billion ang kanilang naibibigay na refund sa mga pasahero mula nang ipatupad ang mga kanselasyon ng biyahe dulot ng COVID crisis.   Ang naturang halaga ay 50% umano ng mga natanggap na refund request.   Sa ngayon meron pa silang nakabinbin na mga kahilingan na […]

  • Kim, napa-‘omg’ nang gayahin ang pose niya sa hallway: REGINE, dahilan kung bakit naka-survive kaya labis na pinasalamatan ng ‘Drag Racer’

    PAGDATING sa mga showbiz female icon na palaging ini-impersonate lalo na ng mga drag queenS, nangunguna sa list si Asia’s Songbird Regine Velasquez-Alcasid.   At tulad nga sa naganap na ‘Rusical’ masuwerte si Precious Paula Nicole na napunta kanya ang kanyang idolo na si Regine para gayahin na kung saan siya nga ang nagwagi sa […]