• June 29, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sofia at Althea, busy rin sa kanilang serye: ELIJAH, pinagsasabihan si JILLIAN na magpahinga dahil overfatigue na

MGA baguhang artista halos ang kasama ni Elijah Alejo sa pelikulang ‘Field Trip.’

 

 

 

Kaya tinanong namin ang Kapuso young actress kung may nadarama ba siyang pressure dahil parang siya ay ang magdadala ng pelikula?

 

 

 

“Okay, parang naano ako dun ah,” ang natatawang umpisang reaksyon ni Elijah. “Parang ngayon po ako na-pressure sa question na yun.

 

 

 

“Honestly po hindi po ako nanakaramdam ng pressure kasi I know naman po na hindi rin po sila kumbaga ilalagay dito ni direk kung wala pong nakikita si direk in them na kumbaga makakapag-add to the movie.

 

 

 

“So I know for a fact na lahat po kami dito magtutulung-tulungan regardless of newcomer man or veteran.”

 

 

 

At bilang isang young actress na matagal na sa industriya ng pelikula at telebisyon, may advise ba siyang maibibigay sa mga mga bago pa lamang nag-aartista?

 

 

 

“Ahmmm ang advise ko lang is, okay yung kinakabahan ka. Kasi iyon din yung advise sa akin nina Papa Wendell e,” pagtukoy ni Elijah kay Wendell Ramos na co-star niya sa ‘Prima Donnas’ TV series ng GMA.

 

 

 

Pagpapatuloy pa niya, “So okay lang yung kinakabahan ka kasi alam mo na kapag kinakabahan ka alam mo rin na meron kang something na maibibigay talaga dun sa movie.

 

 

 

“Meron kang maibubuga. Alam mong kaya mong makipagsabayan.”

 

 

 

Speaking of ‘Prima Donnas’, natanong namin si Elijah kung may bonding moments pa sila nina Jillian Ward, Sofia Pablo at Althea Ablan?

 

 

 

“Ahmm as of now wala na po masyado,” sagot ni Elijah, “kasi si Jill po nasa Abot Kamay [Na Pangarap] so halos everyday po yung taping niya.

 

 

 

“Pinagsasabihan ko na nga po na magpahinga kasi nag-o-overfatigue po siya lagi.

 

 

 

“Si Althea naman po busy rin po sa taping ng Forever Young.

 

 

 

“Si Sofia po nagsisimula na po siya for Ang Prinsesa Ng City Jail.”

 

 

 

Ang ‘Forever Young’ at ‘Ang Prinsesa Ng City Jail’ ay mga upcoming TV programs ng Kapuso Network.

 

 

 

Pagpapatuloy niya, “So ako naman po medyo rest po ngayon naka-focus po ako sa school kaya hindi rin po magka-ano po yung mga paths namin.”

 

 

 

Bukod sa pag-aartista ay nag-aaral si Elijah sa Manila Central University at kasalukuyang first year college student sa kursong Medical Technology.

 

 

 

Ang Field Trip na isang surprise/adventure movie ng PinoyFlix Entertainment Production, Inc. ni Jose “JR” Olinares na siya ring direktor.

 

 

 

Gaganap si Elijah sa pelikula bilang si Angela.

 

 

 

Nasa pelikula rin, na isinulat ni Eric Ramos at ipapalabas sa Nobyembre 2024, sina Jeffrey Santos, Dindo Arroyo, Simon Ibarra, Alex Medina, Dexter Doria, Jennifer Lee at Poppo Lontoc.

 

 

 

Nasa pelikula rin bilang si Jerry si MJ Manuel (na nominadong Best New Movie Actor sa PMPC’s 40th Star Awards for Movies para sa pelikulang Unspoken Letters) at si Gab Dekit bilang si Rhian.

 

 

 

May pakulo ang PinoyFlix Entertainment Production, Inc. (nina direk JR at Production Manager Sam Faj. Calaca) sa mga manonood ng ‘Field Trip’ dahil may pa-raflle sila sa mga movie ticket holder kung saan may mapapanalunang condo unit at marami pang malalaking papremyo.

 

 

 

 

(ROMMEL L. GONZALES)

Other News
  • Masaya sana kung magkakasama sa isang filmfest: VILMA, nalungkot din na ‘di nakapasok ang movie nina MARICEL at NORA

    MARAMI nga sana ang nag-aabang na mga big stars talaga bida sa mga pelikulang magiging official entey para sa MMFF.   Pero hindi nakapasok ang mga pelikula nina Maricel Soriano at Nora Aunor. Naitanong nga ang tungkol dito kay Vilma Santos na pasok ang ‘When I Met You in Tokyo.’   “Hindi na kasi namin […]

  • PDu30, binisita ang mga biktima ng bagyong Odette sa Dinagat islands

    PERSONAL na binisita ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, kasama si Senador Christopher Lawrence “Bong” Go at iba pang opisyal ng pamahalaan ang mga biktima ng bagyong Odette sa Dinagat Islands.   Nakipagkita ang Pangulo sa mga evacuees o bakwit at lokal na opisyal ng nasabing lugar kung saan ay nangako siyang magbibigay ng tulong upang […]

  • Pagsasabatas ng bayanihan 2, malaking tulong sa TUPAD program ng DOLE

    NANANALIG ang Department of Labor and Employment (DOLE) na sakaling maisabatas na ng Kongreso ang Bayanihan II o Bayanihan to Recover as One Bill, ay magkakaroon din ng malaking tsansang maaprubahan ang kanilang mga proyekto,partikular na ang TUPAD Program na magsisilbing emergency employment at subsidy program para sa mga nawalan ng trabaho dahil sa covid19. […]