• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sofia, nag-post na ng pasasalamat at pamamaalam sa ‘Prima Donnas’

NAG-POST ang Kapuso teen actress na si Sofia Pablo via Instagram ng kanyang pasasalamat at pamamaalam sa GMA teleserye na Prima Donnas.

 

Hindi na nakakasama si Sofia sa fresh episodes ng naturang teleserye dahil pinagbabawal ang below 15 years old na mag- taping bilang pagsunod sa safety and health protocols na galing sa DOLE (Dept. Of Labor and Employment).

 

“Bago ang lahat I would like to thank my @gmanetwork family at sa mga boss ko sa ETV @ligoras @redgiemagno sa tiwala na binigay nila sakin para gampanan si Donna Lyn Claveria = Direk @ginalajar at Direk @ayatopacio salamat po sa lahat po ng tinuro niyo po sakin habang buhay ko po dadalahin un at salamat din po sa paniniwala sa kakayahan ko bilang isa pong artista =

 

“maraming salamat po sa pagbuo ng Team Prima Donnas = Tita @aikomelendez maraming salamat po sa lahat ng life advices na binigay at tinuro niyo po sakin = Tito @wendellramosofficial salamat po sa pagpapatawa lagi sa set = Ate @katrina_halili salamat po sa napakaraming food trip sa tent lagi! Hahaha = Tito Benjie salamat din po sa lagi pong pagpapasaya sa buong pro- duction at sa lagi pong pang gugulat sakin! Hahaha = Mamita @chandaromero_atlast salamat din po sa spa session natin sa stand by area hahaha = salamat @vince_crisostomo, @juliusmiguel_, @dayarashane @jemwell_ventinilla at @itselijahalejo sa walang sawang kulitan at bonding sa set kahit anong oras pa! Hahaha = salamat din @miggscuaderno, @ a n g e l i k a s a n t i a g o _ , @judie_delacruz13 at @willashley17 sa friendship = sa dalawa kong kapatid, @jillian at @althea_ablan30 salamat sa pagmamahal kay Len Len =

 

“Sa lahat ng #SOFIANATICS salamat sa walang sawang pagsupporta kay Len Len = salamat sa lahat ng nagmahal kay Donna Lyn Claveria = ang masayahin, positibo, makulit, mapagmahal at bunso sa tatlong Donnas = No goodbyes, see you next time = Len Len is now signing off =”

 

*****

 

PAGKATAPOS ng 11 years ay nakuha na rin ng Kapuso hunk at kauna-unahang winner ng Survivor Philippines na si JC Tiuseco ang kanyang college diploma mula sa San Sebastian College-Recoletos.

 

Nagtapos si JC ng Bachelor of Science in Commerce noong May 2009, one year pagkatapos niyang manalo sa Survivor Philippines ng GMA-7.

 

Hindi raw um-attend ng graduation niya si JC kaya hindi niya agad nakuha ang diploma niya.

 

“Diploma! So, after 100 years, kinuha ko na to dahil mas pinili ko mag-taping kaysa mag- attend ng graduation. Naging basketball player, model, track and field athlete, survivor, and actor pero tinapos ko to kasabay ng lahat ng nangyayari. Salamat sa lahat ng tumulong along the way,” caption ni JC sa kanyang post sa Instagram.

 

Aktibo pa rin si JC sa paglabas sa mga teleserye sa GMA. Huli siyang napanood sa Love You Two.

 

Happily married na si JC at apat na ang anak nila ng kanyang lawyer-wife na si Alu Dorotan.

 

*****

 

GINULAT ng Hollywood hunk na si Channing Tatum ang kanyang 17.1 milion followers sa Instagram nang i-post nito ang isang black & white photo kunsaan kita ang kanyang batak na katawan.

 

Matagal na kasing hindi nasilayan ng netizens ang Magic Mike body ni Tatum at iniisip nila na baka may third Magic Mike movie kaya naglabasan ulit ang six-pack abs niya.

 

Post ni Channing: “It’s been a long road back. Injuries, life shit, and just insanity in general. Ha daddy is finally back boooi!! Gonna be a fun next 10 year run. To all those that have been there for me and held me down through it all. I love you. I’m gonna make ya proud. Let’s goo. Also peep the purell bottle. Keep it clean out there folks. Hahaha”

 

May tinapos palang pelikula si Channing kunsaan siya rin ang director na may title na Dog. Kuwento ito ng dalawang Army Rangers na nagsama sa isang road trip para makarating sila sa libing ng kanilang fellow soldier.

 

“It’s already been a crazy ride. And we’ve only just begun. And if we survive the rest, it will be one of the most insane stories that I’ve ever been a part of. And I’ve been a part of some pretty crazy ones in this life of mine. This photo is from our first day of production on the first movie that my partner Reid and I are directing. This is our story. It’s taken us two years to get it to the starting line. The next eight weeks will be like riding a bull on sickmode in ludicrous speed. God be with us. In Dog we trust. #DogMovie @dogthefilm,” post pa ni Tatum sa IG. (RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • SIKLISTANG TINUTUKAN NG BARIL, HINIKAYAT NI BELMONTE NA LUMUTANG AT MAGSAMPA NG KASO

    NANANAWAGAN si Quezon City Mayor Joy Belmonte sa siklista na lumutang at magsampa ng kaso sa ginawang pagkasa at panunutok ng baril ng isang retiradong pulis na si Wilfredo Gonzales sa area ng Welcome Rotonda, Quezon City.     Kaugnay nito ay inatasan ni Belmonte ang People’s Law Enforcement Board o QC-PLEB na imbestigahan kung […]

  • Libu-libong pamilya mula sa iba’t ibang lugar sa bansa, inilikas dahil sa pananalasa ni bagyong Pepito

    TINATAYANG nasa 5,000 pamilya ang inilikas sa ilang bahagi ng bansa dahil sa sama ng panahon na nararanasan dulot ng bagyong Pepito.   Sa Laging Handa public press briefing ay sinabi ni NDRRMC Asec Casiano Monilla na malaking bahagi ng mga inilikas ay mula sa Region 4a partikular sa Quezon province kung saan nasa 4,790 […]

  • Vander Weide believes Petro Gazz has firepower to match Cignal

    Dahil sa matinding pagkatalo sa Creamline sa kanilang semis opener, alam ng import ng Petro Gazz na si Lindsey Vander Weide na kailangan niyang makipag-usap sa kanyang mga kasamahan sa koponan upang palakasin ang kanilang moral bago ang kanilang laban laban sa second-seeded na si Chery Tiggo.     Kaya, bago ang laro, hiniling ng […]