• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

SolGen, hinihintay ang “go signal” ni PBBM para isumite ang draft EO ukol sa independent body na magiimbestiga sa drug war

NAGHIHINTAY lamang ng “proper signal” ang tanggapan ni  Solicitor General Menardo Guevarra mula kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. bago isumite ang panukalang paglikha ng  independent body na mag-iimbestiga sa pagpatay na inuugnay sa  drug campaign ng Duterte administration. 
Sinabi ni Guevarra sa isang panayam na ang Office of the Solicitor General (OSG) ay lumikha ng isang panukala kabilang na ang draft  ng executive order (EO) na naglalayong lumikha ng independent panel noong nakaraang taon.
“The OSG has crafted the details of a proposed independent commission a long time ago, including a draft executive order. But we are waiting for the proper signals for its submission to the president,” anito.
Sinabi pa niya na habang nag-iimbestiga na ang pamahalaan ukol sa mga patayan na inuugnay sa  war on drugs ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte, ang panukalang  independent panel ay mayroong  advantage na magkaroon ng  “flexibility” sa operasyon nito.
“It may summon anyone it wants, at any time,” ani Guevarra.
Aniya pa, susuportahan ng  panukalang panel ang pagsisikap ng  legal system at law enforcement agencies.
“Our regular investigative processes, through our law enforcement agencies, the prosecution service, and our courts, and the work of an independent commission complement and will mutually reinforce each other,” diing pahayag nito.
At nang tanungin kung anong  “proper signals” ang hinihintay ng  OSG bago isumite kay Pangulong Marcos ang naturang “proposal”, sinabi ni  Guevarra  na “For now we are feeling the pulse of our political leadership on the acceptability of the idea.”
Sinabi pa niya na “the idea of creating an independent panel to probe the drug war killings after the International Criminal Court (ICC) pre-trial chamber gave the go signal to prosecutor Karim Khan to resume the investigation on drug-related killings that happened under Duterte.”
Umaasa naman aniya ang Pilipinas ani Guevarra na magbibigay ng kanyang komento si  Khan sa nasabing usapin. (Daris Jose)
Other News
  • Ads July 13, 2022

  • Maingay na videoke, karaoke, tv at radio, bawal

    MAKARAANG ipasa ng Local na Pamahalaan ng Navotas ang City Ordinance No. 2020-41, pormal nang ipinagbawal sa lungsod ang paggamit ng videoke at karaoke machines na anumang makalilikha ng labis at nakapangbubulahaw na ingay sa mga araw na may online classes ang mga estudyante.   Ang pagamit ng radyo, telebisyon, instrumentong pangmusika at iba pa […]

  • COMMISSIONER GARCIA PANGUNGUNAHAN ANG DEBATE

    PANGUNGUNAHAN ni Commission on Elections (Comelec) Commissioner George Garcia ang komite sa debate ng poll body.     Ito ang inihayag ng komisyuner kahapon, Marso 16.     “I am calling for a meeting of the Debate committee today as the new commissioner in charge,” ayon kay Garcia     Sinabi ni Garcia na imumungkahi […]