• November 16, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

SolGen, iginiit na legitimate law enforcement operation ang war on drugs

SINABI ni Solicitor General Menardo Guevarra na hindi “crime against humanity” ang war on drugs. 
Ito aniya ay  legitimate law enforcement operation target ang komersyo ng  illegal drugs.
“‘Yung war on drugs, talagang ‘yung tinatarget natin doon ay ‘yung crime, ‘yung illegal traffic and illegal drugs,” ayon kay  Guevarra sa pinakabagong  episode ng  The Mangahas Interviews.
“Hindi natin tinatarget ‘yung drug pusher or ‘yung user. Ang tinatarget natin ay ‘yung crime. It’s a legitimate law enforcement operation,” ayon sa Kalihim sabay sabing “Ngayon maihahalintulad ba natin ‘yan sa mga war crimes, sa genocide? Parang hindi siya apporpriate na ma-classify as a crime against humanity kasi hindi naman ganiyan ang intensyon ng war on drugs eh, ang tinatarget niyan mapigil o ma-stop ang proliferation ng illegal drugs kaya nga lang in the process ay may namamatay.”
At nang tanungin ukol sa kumpirmadong bilang ng illegal drug-related deaths at kung sino ang responsable sa pagkamatay, sinabi ni Guevarra na “Sa pagkakaalam ko, parang may official figure na nanggaling mismo sa kapulisan kasi sila lang naman talaga ang unang makakaalam.”
“Ang bilang nila is mahigit 6,000 ang mga namatay so parang in a way, it is an admission na ganoon karami ang namatay,” dagdag na wika nito.
Sinabi pa ni Guevarra, tinatayang  may 80% ng  drug-death cases ay maaaring hindi maproseso bunsod ng kakulangan ng testimonya at mga testigo.
Tinuran pa nito na maging ang pamilya ng mga biktima ay hindi nakikipagtulungan.
“Baka natatakot sila or baka wala talaga silang tiwala. Kaya ineencourage ko sila lagi na magtiwala, kasi kung hindi, paano tayo magkakaroon ng hustisya rito? Bibigyan naman kayo ng proteksyon,” anito.
Sinabi ni  Guevarra na habang ang imbestigasyon ukol sa drug-related deaths ay umuusad, inamin naman ng Kalihim na mahirap ang kanilang ginagawa dahil sa institutional constraints gaya ng kakulangan ng pondo at mga tauhan.
Gayunman, ang mga kakulangan aniyang ito ay hindi “sufficient reasons to call other institutions to take over the investigations.”
“Hindi naman tama ‘yon,” aniya pa rin.
Sa kabilang dako,  tiniyak naman ni Guevarra na aktibo pa rin ang apela ng  Pilipinas sa pagpapatuloy na imbestigasyon ng  International Criminal Court (ICC) Prosecutor’s Office investigation hinggil sa drug war killings.
“Mayroong banggit na, napanood ko sa TV yung sinabi ng [Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos. Parang sinabi niya na, ‘Our appeal has failed.’ It gave me the impression na ang tingin niya ay dismissed na yung ating appeal,” ayon sa  Solicitor General.
“Buhay na buhay pa yung apela natin. As a matter of fact, yung ICC prosecutor next week pa mag-fa-file yun ng response doon sa ating appeal brief. It’s a long process, it’s still there. It’s still pending,” tinuran ni Guevarra.
“Quite unfortunately, itong Appeals Chamber, pinost agad nila sa website yung ruling nila on non-incidental matter. Ano yung incidental matter na yun? Hiniling kasi natin sa appeal natin na pansamantala, while the appeal is pending, ay bigyan muna nila ng tinatawag na suspensive effect yung filing natin ng appeal,” dagdag na pahayag nito.
Ang paliwanag pa ni Guevarra, pinost ng Appeals Chamber ang kanilang ruling sa online bago pa ipadala sa gobyerno ng Pilipinas ang official notification.
“Baka naman may nabasa ang Presidente na rejected yung appeal. Naging ganun yung impression sa presidente. Ngayong araw na ito, nagpadala na ako ng official memo sa presidente para maadvice ko siya kung ano talaga estado ng ating appeal,” ani Guevarra.  (Daris Jose)
Other News
  • Payroll pineke: Empleyado ng PSC buking sa P14.4M fraud

    Isang empleyado ng Philippine Sports Commission (PSC) ang inaresto ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation dahil sa pamemeke ng payroll  ng mga atleta at coaches.   Kinilala ni NBI officer-in-charge Eric B. Distor ang naaresto na si Paul Michael Padua Ignacio.   Nag-ugat ang reklamo kay Ignacio mula sa liham na ipinadala ng […]

  • 6 arestado sa tupada sa Valenzuela

    Anim katao kabilang ang tatlong senior citizen at isang bebot ang arestado matapos salakayin ng pulisya ang isang illegal na tupadahan sa Valenzuela city.     Kinilala ni Northern Police District (NPD) PBGEN Nelson Bondoc ang mga naaresto na si Francisco Valenzona Jr., 61, Hermande De Jesus, 61, Willington Grefalda, 73, Jay-Jay Samonte, 31, Larry […]

  • Kaya hanggang ngayon ay marami pa rin ang nega comments: ALEX, parang pinapangatawanan pa ang mga hirit base sa tweet niya

    MAGANDA ang naisip na concept ni Aiko Melendez sa kanyang Youtube channel.     Ang ininterview niya ay ang anak nila ni Jomari Yllana na si Andre Yllana.     May mga tanong na do’n lang daw naibato ni Aiko kay Andre. Isa na rito ‘yung tungkol sa damdamin ni Andre sa ama.     […]