SolGen, naghain ng gag order sa SC vs ABS-CBN
- Published on February 19, 2020
- by @peoplesbalita
Hiniling kahapon, Pebrero 18 ng Office of the Solicitor General (OSG) Supreme Court na mag-isyu ng gag order para pigilan ang sino mang partido o personalidad mula sa ABS-CBN na maglabas ng kanilang statement o talakayin ang quo warranto petition kaugnay ng franchise case ng TV network.
Depensa ni Solicitor General Jose Calida, ang aksiyon daw ng ABS-CBN ay paglabag sa sub-judice rule.
Nag-ugat ang very urgent motion ni Calida sa isang video na may title na ‘Quo warranto petition laban sa ABS-CBN, ano ang ibig sabihin?’ na inilabas noong Pebrero 14.
Sinabi ni Calida na ang naturang video ay direktang tumatalakay sa mga alegasyon kontra sa quo warranto petition.
Ang mga statements sa video na mula sa reporter ng network na si Christian Esguerra ay sigurado umanong makakaimpluwensiya sa public opinion at magkakaroon ng pre-judgment sa kaso.
Binanggit din ng OSG ang serye ng commentaries na naka-post sa ABS-CBN online na posible ring makaimpluwensiya sa Supreme Court (SC).
Isinama rin ng OSG ang posts ng ABS-CBN artists at iba pang personalidad dahil daw sa pagbibigay ng kanilang “unsolicited opinions” sa quo warranto petition.
SC pinagkokomento ang ABS-CBN sa gag order hiningan ng komento ng Supreme Court (SC) ang ABS-CBN kaugnay ng inihain ng Office of the Solicitor General (OSG) na urgent motion to issue gag order para pigilan ang sino mang partido o personalidad mula sa ABS-CBN na maglabas ng kanilang statement o talakayin ang ng quo warranto petition kaugnay ng franchise case ng TV network.
Ayon kay SC Spokesman Brian Hosaka, matapos ihain kanina ang hirit ni Calida ay agad itong isinalang sa en banc session.
Aniya, binigyan ng SC ang ABS-CBN ng limang araw na palugit para magkomento sa urgent motion sa oras na natanggap na nila ang notice.
SUPORTADO ng Malakanyang ang ginawa paghiling ng Office of Solicitor General ng Gag Order sa Supreme Court kaugnay sa isyu ng ABS-CBN franchise.
Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo na tama lamang ang naging hakbang ng SolGen dahil nagiging emosyonal na umano ang naturang isyu.
Binigyan diin ni Panelo na ginagawa lamang ni Calida ang trabaho nito bilang Solicitor General.
Iginiit ng kalihim na ngayong pending na sa Korte Suprema ang usapin ng prangkisa ng ABS-CBN marapat lamang na iwasan na ang pagkwestiyon at pagtalakay sa merito ng kaso ng magkabilang kampo.
Batay sa very urgent motion na isinumete sa Kataas-taasang Hukuman,hiniling ni SolGen Calida na maglabas ng Gag order ang Supreme Court na nagbabawal sa mga kumakatawan sa magkabilang partido na maglabas ng anumang statement na tumatalakay sa isyu.
Binabanggit din ng OSG ang mga posts sa social media ng mga artista ng ABS-CBN na kumu-kuwestiyon sa quo warranto petition na inihain laban sa media firm noong nakaraang linggo.
-
THE CHILDREN STEP UP TO FIGHT THE CREATURES IN “A QUIET PLACE PART II”
THEIR father Lee Abbott (John Krasinski) pulled off the ultimate sacrifice in order to save them in A Quiet Place Part. Now, in the sequel A Quiet Place Part II, Regan (Millicent Simmonds) and Marcus (Noah Jupe) must step up to the plate as they seek refuge from the sounds that draw the omnipresent alien creatures. […]
-
Functions ng bagong tatag na presidential chief of staff, inilatag ng Malacanang
INISA-ISA ng Office of the Press Secretary ang mga tungkulin ng bagong tatag na Office of the Presidential Chief of Staff (OPCOSS), kung saan itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Atty. Victor Rodriguez, matapos nitong magbitiw bilang executive secretary nitong weekend. Sa kanyang pahayag, sinabi ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles na ang […]
-
Dagdag-sahod na hiling ng TUCP hindi pinagbigyan ng DOLE-RTWPB
HINDI pinagbigyan ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) ang hiling ng Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) na dagdag sahod para sa mga manggagawa sa Metro Manila. Paliwanag ng sangay ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa NCR, hindi saklaw ng hurisdiksyon nito ang naturang petisyon ng TUCP. […]