• January 21, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Solon sa commercials, manufacturing firms: Kolektahin at i-recycle ang plastic

UPANG mabawasan ang plastic pollution sa bansa, isinusulong ng isang mambabatas na gawing mandato para sa mga commercial establishments at manufacturing firms na siyang mag-recover, kolektahin, i-recycle at i-dispose ang plastic waste at non-biodegradable materials.

 

Kapag naisabatasm ire-require ng House Bill 6180 na inihain ni Baguio City Rep. Mark Go ang mga commercial establishments tulad ng supermarkets, office buildings, malls, food chains at retail buildings na kolektahin at i-recover ang mga gamit na plastic mula sa kanilang customers, bago ibalik sa manufacturer oara sa maayos na disposal o recycling.

 

Nais ng mambabatas na mapanagot ang mga manufacturing companies at commercial establishments na gumagamit ng plastics at non-biodegradable materials sa pamamagitan ng pagsama sa kanilang corporate social responsibility ang collection and recovery ng used plastic.

 

Binanggit nito ang 10-year National Solid Waste Management Status Report mula sa Department of Environment and Natural Resources kung saan 38% ng solid waste ng bansa ay plastic na patuloy na tumaas pa.

 

Hinalimbawa nito ang “sachet phenomenon” sa bansa na dumagdag sa pagtaas ng bilang ng mga non-biodegradable na plastic na siyang bumabara sa mga kanal, waterways at kalat sa kalsada. (Ara Romero)

Other News
  • Mabilis na transmission ng poll results, nakagugulat- political analyst

    NAKAGUGULAT para sa isang political analyst ang mabilis na transmission ng resulta ng 2022 elections kumpara sa nakalipas na halalan sa bansa.     Sinabi ni political analyst Ramon Casiple na bagama’t mabilis ang transmission ng resulta ng 2022 elections ay napakaaga pa aniya para magbigay kaagad ng konklusyon.     “Nagulat ako doon sa […]

  • TBA Studios Brings Brendan Fraser’s Much Talked-About Comeback Movie “The Whale” to PH Cinemas

    BRENDAN Fraser’s highly anticipated and much talked-about comeback movie, “The Whale”, is coming to the Philippines this February 22.   The actor, who’s known for his leading man roles in films like “Bedazzled”, “George of the Jungle”, and the mega blockbuster franchise “The Mummy”, was in a decade long hiatus when Academy Award-winning director, Darren […]

  • DBM, maghahanap ng paraan para pondohan ang P1,000 monthly pension para sa mga indigent seniors

    MAGHAHANAP at gagawa ng paraan ang Department of Budget and Management (DBM) para mapondohan ang tumaas na  monthly social pension ng indigent senior citizens.     Mula kasi sa P500 ay  P1,000 na ang matatanggap ng mga ito.     Ito’y sa kabila ng nasa ” tight fiscal position” ang gobyerno.     “To be […]