Solusyunan ang education crisis at hiling ng mga guro, hamon ng mga mambabatas sa bagong DepEd Secretary
- Published on July 5, 2024
- by @peoplesbalita
HINAMON ng mga mambabatas ang bagong talagang Department of Education Secretary na agad solusyunan ang education crisis at hiling ng mga guro.
Welcome naman kina House Deputy Minority Leader at ACT Teachers Partylist Rep. France Castro at House Assistant Minority Leader at Gabriela Women’s Party Rep. Arlene Brosas ang appointment ni Senador Sonny Angara bilang kalihim ng DepEd.
“While it is good that a new DepEd Secretary has been named, we challenge Sen. Sonny Angara to hit the ground running and immediately address the education crisis in our country as well as the long-standing demands of teachers and education support personnel,” ani Castro.
Iginiit ni Castro ang pangangailangan sa agarang pagtalakay at aksyon ng bagong kalihim sa mga problemang kinakaharap ng edukasyon kabilang na ang isyu ng K-12 program.
Gayundin ang kondisyon ng mga guro at education support personnel tulad ng sahod at benepisyo
Umaasa naman ang mambabatas na ang eksperyensiya ni Angara bilang commissioner ng Second Congressional Commission on Education (EDCOM 2) ay makakatulong para sa mga hakbang nito sa mga kinakaharap na isyu ng education sector.
“We expect Secretary Angara to utilize his insights from EDCOM 2 to implement much-needed reforms in our education system. The crisis in education requires immediate and decisive action. We in ACT Teachers Partylist are ready to work with the new DepEd leadership for the benefit of our learners, teachers, and the entire education sector,” dagdag ni Castro.
Sinabi naman ni Brosas challenged na dapat solusyunan agad ni Angara ang mga isyung kinakaharap ngayon ng education sector na bigo umanong masolusyunan ng dating kalihim na si Vice President Sara Duterte. (Vina de Guzman)
-
Sen. Robin Padilla, ‘di bibitawan ang target na maselang komite sa Senado
WALANG plano si Senator-elect Robin Padilla na bitawan ang nais niyang Senate committee on constitutional amendments and revision of codes. Ito ang sinabi ni Padilla sa kanyang personal na pagtungo ngayong araw sa Senado upang maging pamilyar na sa magiging takbo ng mga trabaho. Magsisimula ang panunungkulan ng dating aktor sa […]
-
ICC ‘di pipigilang mag-interview ng drug war suspects — Solicitor General
MAAARING magpunta sa Pilipinas ang prosecutor ng International Criminal Court (ICC) at makapanayam ang mga suspek sa mga pagpatay sa war on drugs noong administrasyong Duterte, ayon kay Solicitor General Menardo Guevarra nitong Martes. Subalit, nilinaw ni Guevarra na ang gobyerno ng Pilipinas ay hindi legal na nakatali para asistehan […]
-
ALBANO, DY SABIT SA KATIWALIAN SA ISABELA PROVINCE
NAGSAMPA ng reklamo sa Senate Committee of Ethics si dating Angadanan, Isabela Mayor Manuel Noli Siquian Sr. laban sa tatlong senador kamakailan. Ito ay bunsod ng kawalan ng aksyon sa ipinarating na reklamo kaugnay ng nangyayaring talamak na katiwalian sa Isabela Province. Kabilang sa inirereklamo sina Senador Francis Tolentino na siyang […]