• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sotto, 36ers sasagupa sa Suns

MAKIKILATIS ang angas ng Adelaide 36ers kasama si Kai Sotto kontra sa Phoenix Suns sa NBL x NBA Tour sa Footprint Center sa Phoenix, Arizona.

 

 

Aarangkada ang aksyon sa alas-12:30 ng tanghali (Manila time) na magiging unang sabak din ni Sotto laban sa isang NBA team matapos maging undrafted sa 2022 NBA Rookie Draft noong Hunyo.

 

 

Pambihirang pagkakataon ito para sa 7-foot-3 Pinoy sensation na maipasilip ang potensyal sa harap ng mga NBA coaches at scouts kontra sa mga de kalibreng players kung maisasakatuparan man ang NBA dream sa hinaharap.

 

 

Subalit nasa 36ers muna ang buong atensyon ni Sotto lalo’t bahagi ang tune-up games kontra sa mga NBA teams ng kanilang paghahanda para sa 2022-2023 regular season ng NBL.

 

 

Sinimulan ng Adelaide ang final build-up sa pag-iskor ng 86-81 panalo kontra sa Overtime Elite bago ang duwelo sa Suns nina NBA superstars Chris Paul at Devin Booker.

Other News
  • Mayor sa Ukraine at pamilya nito, natagpuang patay at nakatali pa ang mga kamay

    NATAGPUAN  ng mga awtoridad sa Ukraine ang katawan ng limang sibilyan kabilang ang Mayor at asawa’t anak nito na nakatali pa ang mga kamay sa isang village sa west ng Kyiv.     Ayon sa awtoridad, ang apat na narekober na katawan kabilang ang alkalde ay bahagyang nakabaon sa lupa sa isang kagubatan malapit sa […]

  • Marcial may dalawang misyon

    Dalawa ang tatargetin ni Tokyo Olympics bronze medalist Eumir Felix Marcial sa kanyang susunod na pagsalang sa boksing.     Ito ay ang makuha ang gintong medalya sa 2024 Paris Olympics at maging world champion sa middleweight division.     Ayon kay Marcial, hindi madali ang daang tatahakin nito. Subait handa ang Pinoy pug na […]

  • Manibela naghain ng kasong graft laban sa mga opisyales ng DOTr

    NAGHAIN ng isang kasong graft ang grupo sa transportasyon na Manibela laban sa mga opisyal ng Department of Transportation (DOTr) at Office of the Solicitor General (OSG) dahil sa pagsusulong ng Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP) ng pamahalaan.     Sa isang limang (5) pahina na complaint na inihain ng Manibela sa Office of […]