• December 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sotto bawal pa sa NBA, sasalang sa NBL, Gilas

TUTUPARIN ni National Basketball Association prospect Kai Zachary Sotto ang manilbihan para sa Gilas Pilipinas gaya nang naipangako habang maghahasa muna sa Adelaide 36ers sa National basketball League sa Australia.

 

 

Ibinunyag ito nitong Miyerkoles ng 18 taong-gulang at 7-3 ang taas na cage phenom kasabay sa pagseserbisyo sa Nationals na kakampanya sa 30th International Basketball Federation Asia Cup qualifier third and last window sa HUnyo 16-20 sa Clark Freeport sa Angeles, Pampanga at sa Fiba Olympic Qualifying Tournament sa Hun. 29-Hulyo 4 sa Belgrade, Serbia.

 

 

“I would like to announce that I will be part of the team that will play for the OQT and the Asia Cup,” bulalas ng hoopsters na isinilang sa Las Piñas City. “Alam naman ninyo na ‘pag sinabi ni Kai, palaging lalaro ako sa Pilipinas.”

 

 

May ilang ulit na ring naglaro para sa Pinoy quintet ang binata sa national youth team o Batang Gilas bago nagpasyang magbaka sakali sa sablay niyang paglalaro sa Estados Unidos sa National Basketball League.

 

 

Ang pasya ni Sotto ay bunsod na rin sa nabatid na hindi pa siya qualify o eligible para sa 75th National Basketball Association Draft 2021 sa dating na Hun. sa Amerika, napag-alaman ng handler niya East West Private. (REC)

Other News
  • Namahagi ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas ng tig limang kilong bigas

    Sa pagtatapos ng pagdiriwang ng ika-118th Navotas Day, namahagi ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas ng tig limang kilong bigas sa bawat pamilyang Navoteños sa pangunguna nina Mayor John Rey Tiangco at  Congressman Toby Tiangco, kasama ang iba pang opisyal ng lungsod. (Richard Mesa)

  • 6 arestado sa tupada sa Valenzuela

    Anim katao kabilang ang tatlong senior citizen at isang bebot ang arestado matapos salakayin ng pulisya ang isang illegal na tupadahan sa Valenzuela city.     Kinilala ni Northern Police District (NPD) PBGEN Nelson Bondoc ang mga naaresto na si Francisco Valenzona Jr., 61, Hermande De Jesus, 61, Willington Grefalda, 73, Jay-Jay Samonte, 31, Larry […]

  • MAGKAPATID NA OPISYAL INARESTO SA PASTILLAS SCAM

    INARESTO ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang opisyal ng ahensya at kapatid nito na personnel naman ng Bureau of Immigration (BI) sa alegasyon ng pagkakasangkot sa manipulasyon at pangingikil sa imbestigasyon ng NBI kaugnay sa pastillas scam.   Nabatid na inaresto ng NBI Special Action Unit  ang hepe ng NBI Legal Assistance Section […]