Sotto hinihintay pa ng Gilas para makumpleto ang line up sa FIBA Asia Cup
- Published on July 21, 2021
- by @peoplesbalita
Hinihintay pa ng Gilas Pilipinas si Kai Sotto para makumpleto na ang 20-man FIBA Asia Cup.
Sinabi ni Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) special assistant to the president Ryan Gregorio na si Sotto lamang ang hinhintay nila para makumpleto na ang line up sa sasabak sa FIBA Asia Cup sa darating na Agosto 16-28 sa Indonesia.
Kasalukuyang nakabakasyon kasi ang 7 foot 3 center kasama ang pamilya nito matapos ang 2021 Fiba Asia Cup qualifiers sa Clark at FIBA Olympics Qualifying Tournament sa Belgrade noong nakaraang buwan.
Makakasama nito sa line up sina Geo Chiu, Ange Kouame, Dwight Ramos, and Justine Baltazar, as well as Belgrade OQT peers Isaac Go, Mike Nieto, Jordan Heading, William Navarro, SJ Belangel, RJ Abarrientos, Carl Tamayo at ang mga nagbabalik na Gilas players na sina Tzaddy Rangel, Kemark Carino, Rey Suerte, Matt Nieto, Thirdy Ravena, Allyn Bulanadi, Dave Ildefonso at Jaydee Tungcab
-
Pagdagsa ng mga tao sa isang resort sa Caloocan, nangyari din sa India na nagbunga ng mabilis na pagkalat ng virus -Malakanyang
IPINAALALA ng Malakanyang sa publiko ang nangyari sa India na hanggang sa kasalukuyan ay nakararanas pa rin ng matinding hagupit ng COVID 19. Ang paalalang ito ni Presidential Spokesperson Harry Roque ay kasunod ng naiulat na pagdagsa ng tao sa Gubat sa Ciudad resort sa Lungsod ng Caloocan na pinangangambahan ngayong magkalat ng virus. […]
-
Zendaya Spent Three Months Training For Tennis-Themed RomCom ‘Challengers’
ZENDAYA spent three months training for her role in the tennis-themed romantic comedy, Challengers. After rising to fame on Disney Channel sitcoms Shake It Up! and K.C Undercover, Zendaya is now best known for her role as MJ, Peter Parker’s love interest, in the Marvel Cinematic Universe’s Spider-Man trilogy and as Rue Bennett, a […]
-
ERC, inatasan ni PBBM na i-reset ang NGCP rates matapos bumagsak ang Panay grid
IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Energy Regulatory Commission (ERC) na kaagad na i-reset ang rates ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), kung saan isinisisi nito ang pagbagsak sa Panay sub-grid ang naranasang blackout sa isla ng Panay kamakailan. Ang pag-reset sa rate ay naglalayong tiyakin na sumunod ang NGCP […]