• September 28, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sotto marami pa palang mapaglalaruang mga liga

SALTONG makapaglaro si National Basketball Association (NBA) prospect Kai Zachary Sotto sa 20th NBA G League 2021 sa ESPN Wide World of Sports Complex sa Bay Lake, Florida noong Pebrero 10.

 

 

Hindi na rin siya maaaring maging student-athlete scholar sa  83rd United States National Collegiate Athletic Association (NCAA) 2021.

 

 

O makabalik pa sa 84th University Athletic Association of the Philippines (UAAP) 2022 ng Setyembre.

 

 

Iyan ay dahil sa mahigpit na panuntunan sa Coronavirus Disease 2019 ng Estados Unidos dahil bumalik pa ng ‘Pinas ang 18-anyos, 7-3 ang taas at tubong Las Piñas kaya hindi na pinapasok sa playing venue para hindi makabalik sa G League.

 

 

Tinanggap din agad ng Ohio-based management firm na East West Private na handler ng Pinoy cage phenom ang insentibong galing sa G League kaya nawala na ang amateur status ni Sotto. Dahil sa pabuyang kinuha ng asungot niya, naging awtomatiko na siyang professional basketball player.

 

 

Patuloy ang pananahimik ng EWP, walang pahayag sa susunod na plano tapos ng tatlong dagok kay Sotto. Pati sa mga tirada ni American coach at ngayo’y nagmamando sa Thailand national team na si Chris Daleo na pinakalas si Sotto sa EWP para sa kabutihan ng binate.

 

 

May busal ang bibig ng handler ni Sotto hanggang kahapon.

 

 

Pero sa pag-aanalisa ng Opensa Depensa, marami pa lang naghihintay para sa ating kababayan na nagpahirap nga ng lang sa landas niya na maging unang homegrown na makaabot sa NBA. Mas maigi at mabailis sana kung nasa G League na.

 

 

Magpakadalubhasa ka na lang muna Kai sa talento sa sa European League. Hindi ba’t interesado dati sa serbisyo mo ang  Spanish clubs Real Madrid, Barcelona, Baskonia, at Estudiantes, pati German team na Alba Berlin.

 

 

Dahil itinuturing na isang pro na, puwede ka na ring pumirma ng kontrata at makapaglaro saan mang parte ng mundo. Naririyan din Sotto ang National Basketball League (NBL)-Australia,  B.League-Japan , China Basketball Association (CBA) ,Taiwan at iba pa.

 

 

Kaya hindi pa katapusan ang lahat para sa iyo Sotto.

Other News
  • John 3:16

    God gave his only son.

  • Pinas may ‘local transmission’ na ng Delta variant

    Sinang-ayunan na ng Department of Health (DOH) ang opinyon ng ekspertong si Dr. Rontgene Solante na posibleng mayroon nang ‘local transmission’ ng mas mapanganib na Delta variant ng COVID-19 sa Pilipinas.     Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, bagama’t kalat-kalat ang mga natuklasang Delta variant cases, nagpatupad na agad sila ng reaksyon para […]

  • EJ balik-training sa Oktubre

    “Vitaly said this is going to be my last time going here before Paris. He already planned the things we need to do,” sabi ni O­biena sa kanyang courtesy call kay Philippine Sports Commission (PSC) chairman Noli Eala.     Huling narito sa bansa ang Pinoy pole vaulter ay noong 2019 kung saan niya dinomina […]