• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sotto nag-workout sa Orlando Magic camp

SINISIMULAN na ni Kai Sotto na magpasiklab sa mga NBA teams upang magkaroon ang mga ito ng interes sa Pinoy cager para sa 2022 NBA Rookie Draft na gaganapin sa Hunyo 23 (Hunyo 24 sa Maynila) sa Brooklyn, New York.

 

 

Nagpatikim si Sotto sa kanyang social media account kung saan may post ito sa home court ng Orlando Magic.

 

 

Dumalo ang 7-foot-3 Pinoy cager sa workout ng Orlando at umaasa ito na makukuha nito ang atensiyon ng mga coaches doon.

 

 

Ang Magic ang nagmamay-ari ng top pick sa rookie draft sa taong ito.

 

 

Maliban sa top pick, pipili rin ang Orlando ng dalawang players sa se­cond round — ang No. 32 at No. 35 picks.

 

 

Ito ang ikalawang NBA team na dinaluhan ni Sotto.

 

 

Nauna nang sumalang sa workout si Sotto sa New York Knicks.

 

 

Inaasahang masisilayan si Sotto sa workouts ng iba pang NBA teams sa mga susunod na araw upang mabigyan ng pagkakataon ang mga ito na kilatisin ang husay ng Pinoy player.

 

 

Hindi nakalahok si Sotto sa NBA Combine na ginanap sa Chicago noong nakaraang linggo.

 

 

Ang NBA Combine ang isa sa daan para makita ng coaches at agents ng mga NBA teams ang abilidad at kakayahan ng mga players na kalahok sa rookie draft.

 

 

Target ni Sotto na ma­ging kauna-unahang pure Pinoy player na makakapasok sa NBA.

Other News
  • ALJUR, sinisisi ng netizens kung bakit sila nagkahiwalay ni KYLIE; ROBIN, ni-reveal na may third party

    MARAMI kaming nababasa na galit kay Aljur Abrenica at sinisi ang huli sa paghihiwalay nila ng misis na si Kylie Padilla.     Kadalasan ng comment, “ang ganda na ni Kylie, nambabae pa.” “Maganda na nga ang misis, ipinagpalit pa rin.”     Nandiyang tinawag din si Aljur na mayabang at iba pa.     […]

  • Banna, Ilocos Norte is the first community in the Philippines to reach WHO 90% immunization targets

    Around 1,000 female students in Banna, a municipality in Ilocos Norte, received their first dose of the human papillomavirus (HPV) vaccine on May 10, 2024, making Banna the first municipality in the Philippines to achieve the World Health Organization’s (WHO’s) goal of vaccinating 90% of the female schoolchildren ages 9-14.         HPV […]

  • Djokovic pasok na sa quarterfinals ng French Open

    PASOK na sa quarterfinals ng French Open si Novak Djokovic.   Ito ay matapos talunin si Karen Khachanov sa score na 6- 4, 6-3, 6-3.   Ang world number 16 na si Khachanov ay siyang tumalo kay Djokovic noong 2018 Paris Masters.   Susunod na makakaharap nito ang sinumang magwagi sa pagitan nina Pablo Carreno […]