• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sotto patuloy ang paglaki

Mas lalo pang tumangkad si Kai Sotto na magi­ging malaking tulong sa nakatakdang pagsabak nito sa NBA G League na lalarga sa susunod na buwan sa Orlando, Florida.

 

Isang pulgada pa ang itinangkad ni Sotto na mayroon nang 7-foot-3 sa huling update ng kanyang height na ipinost nito sa kanyang social media account.

 

Bukod pa rito, mayroon na ring 7-foot-5 na wingspan ang dating UAAP Juniors MVP.

 

“Height 7’3. Wingspan 7’5. Continue to watch me work,” ani Sotto sa kanyang post sa Twitter.

 

Malaki ang posibilidad na madagdagan pa ito sa mga susunod na taon lalo pa’t 18-anyos pa lamang ang dating Ateneo de Manila High School standout.

 

Kasalukuyang nagsasanay ang Ignite sa Walnut Creek, California para paghandaan ang pagbubukas ng NBA G League season sa susunod na buwan sa isang bubble setup sa Orlando, Florida.

 

Puspusan ang paghahanda ni Sotto para sa G League dahil ito ang magsisilbing tungtungan nito sa kanyang pangarap na makapasok sa NBA.

Other News
  • 𝗠𝗮𝗿𝗰𝗼𝘀 𝗝𝗿., 𝗻𝘂𝗺𝗲𝗿𝗼 𝘂𝗻𝗼𝗻𝗴 ‘𝗴𝗵𝗼𝘀𝘁𝗲𝗿’ 𝗻𝗴𝗮𝘆𝗼𝗻𝗴 𝗛𝗮𝗹𝗹𝗼𝘄𝗲𝗲𝗻 – 𝗚𝗔𝗕𝗥𝗜𝗘𝗟𝗔

    PINUNA ng grupong GABRIELA ang pagiging “missing-in-action” ni Marcos Jr. at tinawag siyang “ghoster” ngayong palapit na ang Undas kung saan sinalanta ng bagyong Paeng ang bansa habang minumulto ng nagtataasang presyo ng bilihin at bayarin ang mamamayan.     “Nasaan ba talaga ang pangulo? Ang ibig-sabihin yata ng PBBM ay President Bong Bong Missing-in-action! […]

  • THE THIRD EYE BY: CHRISTIAN TUPAZ

    ‘VOX POPULI, VOX DEI’ (The Voice of the People is the Voice of God). A beacon to 42 countries that will have their Government Elections this year 2022. 5 out of 42 countries around the world are in a verge for transition to high Governance. – SOUTH KOREA. Presidential elections (March 9, 2022)– FRANCE. Presidential […]

  • Pagbuo ng isang task force para sa pagsagip ng mga Pilipinong marino na nasangkot sa mga sakuna sa karagatan, aprubado

    Inaprubahan ng House Committee on Overseas Workers Affairs ang ulat ng komite sa substitute resolution sa House Resolution 1344.     Ang panukala ay inihain ni Marino Partylist Rep. Macnell Lusotan, na naglalayong himukin ang mga Departments of Foreign Affairs (DFA), Transportation (DOTr), Labor and Employment (DOLE), at Justice (DOJ), Philippine Coast Guard (PCG), Maritime […]