Sotto patuloy ang paglaki
- Published on January 18, 2021
- by @peoplesbalita
Mas lalo pang tumangkad si Kai Sotto na magiging malaking tulong sa nakatakdang pagsabak nito sa NBA G League na lalarga sa susunod na buwan sa Orlando, Florida.
Isang pulgada pa ang itinangkad ni Sotto na mayroon nang 7-foot-3 sa huling update ng kanyang height na ipinost nito sa kanyang social media account.
Bukod pa rito, mayroon na ring 7-foot-5 na wingspan ang dating UAAP Juniors MVP.
“Height 7’3. Wingspan 7’5. Continue to watch me work,” ani Sotto sa kanyang post sa Twitter.
Malaki ang posibilidad na madagdagan pa ito sa mga susunod na taon lalo pa’t 18-anyos pa lamang ang dating Ateneo de Manila High School standout.
Kasalukuyang nagsasanay ang Ignite sa Walnut Creek, California para paghandaan ang pagbubukas ng NBA G League season sa susunod na buwan sa isang bubble setup sa Orlando, Florida.
Puspusan ang paghahanda ni Sotto para sa G League dahil ito ang magsisilbing tungtungan nito sa kanyang pangarap na makapasok sa NBA.
-
NORA, kinilala ng ‘Komisyon sa Wikang Filipino’ ang kontribusyon sa mga pelikulang Pinoy
PATULOY sa pagtanggap ng awards ang ating mahal na Superstar na si Ms. Nora Aunor. Kinilala ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ang kontribusyon ni Nora Aunor sa mga pelikulang Pinoy at pinarangalan ito bilang Kampeon ng Wika para sa taong 2021 ngayong Martes. “Masaya po akong tinatanggap ang karangalang ito […]
-
Football star Cristiano Ronaldo nabasag ang all-time FIFA record career goal
NAGTALA ng all-time FIFA record si Manchester United superstar Cristiano Ronaldo matapos maitala nito ang kaniyang 806th career goal sa Old Trafford. Dahil dito ay nabasag nito ang all-time record para sa most goals sa competitive matches sa kasaysayan ng men’s football. Ito ang pangalawa sa tatlong goals ng Portuguese attacker […]
-
1 Thessalonians 5:15
Always seek to do good to one another and to all.