• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sotto pinayuhan ng Kano

TINAGUBILINAN ng Amerikanong coach na kasalukuyang nagmamando sa Thailand national men’s basketball team na si Chris Daleo si National Basketball Association (NBA) prospect Kai Zachary Sotto.

 

 

Aniya kamakalawa, pagtuunan na lang muna ng 18 taon, may taas na 7-3, at tubong Las Piñas, ang kanyang talento at iwasan ang maraming asungot na humawak sa napakamura pa lang niyang karera sa basketball.

 

 

Pinarating nang nagmamalasakit sa Pinoy cage phenom ang abiso sa social media account na @DaleoChris, base na rin sa kanyang mga pinagdaanan, giniit na marami ring mahuhusay siyang nahawakang basketbolista pero bigla ring bumagsak dahil sa dami ng handlers.

 

 

“Over my years I coached great phenoms, Lenny Cooke and Ronnie Fields. Great players with unlimited potential, but many handlers. Sadly, with so many voices trying to dictate the direction of the player, hyping the player, and always jumping spot to spot, The players never made it,” diin ng Thai mentor.

 

 

Buhat ang sentimyento niya sa maling desisyon ng East West Private (EWP) sa paghawak kay Sotto.

 

 

Nasa Tate na ang binate para maglaro sa Ignite Team ng 20th NBA G League 2021 sa Orlando, Florida. Pero pinabalik pa ng ‘Pinas sa kabila na napakahigpit ng pagbiyahe dahil sa pandemya kaya pagbalik ng Estados Unidos hindi na tinanggap ng koponan.

 

 

Pumarito ang cager para saklolohan ang national team na pa-30th International Basketball Federation (Fiba) Asia Cup 2021 Qualifiers third and final window, pero kinansela pati nang ilipat ang event  sa Doha, Qatar sanhi ng pandemya.

 

 

Tinanggap pa agad ng US handler na Ohio-based management firm (EWP), ang pabuya ng G League kay Sotto para mawala ang amateur status nito, ban nang maglaro sa US National Collegiate Athletic Association (NCAA), kahitr  sa University Athletic Association of the Philippines (UAAP).

 

 

Payo rin ng Opensa Depensa sa iyo Kai, at sa iyong ama, nakakasira rin sa media ang marami mong asungot. Kaya tsugiin ang iba o magbawas ka. (REC)

Other News
  • Pagdanganan asam ang maraming Magic 10 finish sa LPGA Tour

    PUPUNTIRYA si Bianca Isabel Pagdanganan nang maraming pagtapos sa Top 10 sa mayamang nakabase sa Estados Unidos na 73rd Ladies Professional Golf Association Tour 2022.     “I’ve had two Top 10 finishes. Knowing that I can do that, I definitely want to hope for more this year. I’m working to finish more in that […]

  • Tolentino na gbabu na sa Ateneo at UAAP

    KAKAYOD na para sa Choco Mucho Flying Titans ng Premier Volleyball League (PVL) na magbubukas sa Abril si Fil-Canadian Katrina Mae ‘Kat’ Tolentino na nakalabas na sa 14 araw na quarantine at nasa bansa na buhat sa Canada.     Kinansela ang 82nd University Athletic Association of the Philippines (UAAP) 2019-20 sa nakalipas na Marso […]

  • Lolo at lola ng asawa, tiyak na tuwang-tuwa: KRIS, magiging nanay na at ‘di nila plinano ni PERRY

    MAGIGING nanay na si Kris Bernal.     Ito ang announcement niya sa kanyang Instagram account at Youtube account.     Hindi raw nila plinanong mag-asawa kaya sobrang tuwa niya nang makita niya ang double lines nang mag-pregnancy test siya.     Tiyak naman na ikinatuwa ito ng kanyang mister na si Perry Choi at […]