• December 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sotto tuloy lang sa training sa US

Tuloy lang sa pagpapa­lakas si Kai Sotto sa Amerika.

 

 

Walang masyadong ingay ang kampo ni Sotto upang makaiwas sa kaliwa’t kanang bashers.

 

 

Subalit hindi tumitigil ang 7-foot-3 cager sa pagsasanay upang lubos na maihanda ang kanyang sarili sa pangarap na makapasok sa NBA.

 

 

Sa katunayan, kasama ni Sotto sa training ang mahuhusay at beteranong coaches upang mas lalo pang mahasa ang skills nito.

 

 

Ilang larawan ang lu­mabas sa social media kung saan sumasailalim ito sa workout kasama ang beteranong trainer na si Stanley Remey.

 

 

“Potential is only potential if you work hard to make it a reality. Great work this weekend @kzsotto, the sky is truly the limit,” ayon sa post ni Remy.

 

 

Kilalang skills trainer si Remy dahil ilang NBA players na ang dumaan sa kamay nito kabilang na sina dating NBA MVP James Harden at Cleveland Cavaliers center Andre Drummond gayundin sina Hassan Whiteside, Trevor Ariza, Greg Monroe at Brandon Knight.

 

 

May larawan pang lu­mabas na kausap ni Sotto si Drummond matapos ang workout.

 

 

Nagdesisyon ang kampo ni Sotto na manatili sa Amerika sa halip na muling bumalik sa Pilipinas para samahan ang Gilas Pilipinas pool sa training camp nito sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna.

 

 

Kasama si Sotto sa mga inimbitahan ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) para maglaro sa FIBA Asia Cup Qualifiers at FIBA Olympic Qualifying Tournament.

 

 

Gaganapin ang Asia Cup Qualifiers sa Clark, Pampanga sa Hunyo habang sa Belgrade, Serbia naman idaraos ang Olympic qualifiers na magsisimula sa Hunyo 29.

Other News
  • Sailing Champions Crowned at Seafront Residences’ First Oz Goose Regatta

    Seafront Residences, located in San Juan, Batangas, boasts ideal beach, wind, and sea conditions, perfect for sailors and sailing enthusiasts alike.   Sailing is a sport alive and well on Philippine shores. The shores of San Juan, Batangas burst with life as the first-ever Seafront Oz Goose Regatta kicked off the festivities at the annual […]

  • Musical Dancing Fountain, nagpatingkad pa lalo sa Maynila

    PINASINAYAAN na ni Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso ang Musical Dancing Fountain sa Bonifacio Shrine noong Miyerkoles ng gabi. Sinaksihan din naman ito ng ilang mga opisyal ng Manila City Hall, mga City Councilors at ni Vice Mayor Honey Lacuna.   Naging makulay ang gabi dahil sa makulay na dancing fountain kung saan idinisenyo […]

  • Sa isang episode ng ‘Running Man PH’: KOKOY, muntik na talagang mag-backout sa sobrang takot

    MUNTIK na palang atrasan ni Kokoy de Santos ang isa sa mga race ng ‘Running Man Philippines Season 2’ dahil sa pagiging matatakutin nito.      Sa trailer kasi ay ipinakita na pumasok sa tila isang horror house ang pitong runners na sina Kokoy, Glaiza de Castro, Angel Guardian, Lexi Gonzales, Buboy Villar at Mikael […]