South Commuter Railway Project, makalilikha ng 3,000 job opportunity
- Published on July 14, 2023
- by @peoplesbalita
SINABI ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na tinatayang may 3,000 job opportunity ang aasahan sa pagsisimula ng South Commuter Railway Project (SCRP) sa North-South Commuter Railway (NSCR) System.
Sa naging talumpati ng Pangulo sa isinagawang contract signing ng SCRP ng NSCR System for the Contract Packages S-01, S-03A at S-03C sa Palasyo ng Malakanyang, araw ng Huwebes, sinabi ni Pangulong Marcos na ang railway project ay “realization of a more efficient and inclusive public transportation system.”
“Now, as we hold the signing of Contract Packages S-01, S-03A, and S-03C, we continue to show the commitment to realizing the dream of a more efficient and inclusive public transportation system that every Filipino deserves,” ayon sa Pangulo.
Binigyang diin din ng Pangulo na ang paglagda sa tatlong contract projects, sakop ang 14.9 kilometers ng at-grade at railway viaduct structures, ay katuparan ng layunin ng gobyerno na makapagsilbi sa 800,000 mananakay araw-araw sa susunod na anim na taon.
“I am also happy to note that we are anticipating the generation of approximately 3,000 jobs once civil works for these sections begin,” ayon sa Pangulo.
Sa pagsasakatuparan ng proyekto, nanawagan ang Pangulo sa lahat ng concerned agencies at ibang stakeholders na magsama o magkapit-bisig sa pagtugon sa potensiyal na hamon sa pagsisimula ng civil works para sa railway project.
Sa kabilang dako, kinilala naman ng Pangulo ang kalagayan ng mga informal settler families na maaapektuhan ng pagtatayo ng railway system “as well as the disturbances that the construction of the NSCR system will cause.”
“So, we are continuously conscious in the national government and of course the local governments to ensure that those needing assistance are attended to,” ayon sa Chief Executive.
“These are the inevitable consequences of these large projects, but it is something that we have to go through if we are going to complete the projects as they have been designed and we will – to be able to reap the benefits in the longer term,” aniya pa rin.
Nanawagan din ang Pangulo sa lahat ng may kinalaman sa proyekto na kompletuhin ang “monumental task for the benefit of the generations to come,” hiniling naman niya sa mga ito na patuloy na magpasensiya at unawain ang proyekto.
“I know that it is our collective longing to create a society that works for the people and that will open bigger opportunities for our children. So, let us all remain united in this endeavor as we pursue initiatives with the long-term end in mind,” ani Pangulong Marcos.
“We look at these contract packages with great optimism and renewed hope for our country’s future,” aniya pa rin.
Samantala, pinasalamatan naman ng Punong Ehekutibo ang katuwang pamahalaan na maisakatuparan at gawing posible ang proyekto sa pamamagitan ng active partnership ng bansa sa Asian Development Bank (ADB) at Japan International Cooperation Agency (JICA).
“The sections covered by the contract that was signed will be completed in cooperation with the PT Adhi Karya (Persero) Tbk and PT PP (Persero) Tbk Joint Venture, the Leighton Contractors (Asia) Ltd., and the First Balfour Inc. Joint Venture,” ayon sa Malakanyang. (Daris Jose)
-
20% discount sa mga gov’t certificates at clearances para sa job applicants, isinulong sa Senado
NAGHAIN ng panukalang batas si Sen. Ramon Bong Revilla Jr. na naglalayong bigyan ng 20 porsiyentong diskuwento ang bawat mahirap na Pilipino para sa kaukulang dokumento na kakailanganin sa kanilang pag-a-apply ng trabaho. Ito ang Republic Act No. 11261 o ang ‘First Time Jobseekers Assistance Act’ na na makakatulong sa bawat mahihirap […]
-
DI-KWALIPIKADO NA KANDIDATO, MAAARING MAPALITAN BAGO HALALAN
MAAARI umanong palitan ang isang kandidato na madidiskwalipika bago ang halalan. Ito ang paglilinaw Comelec Senior Commissioner Rowena Guanzon, kaugnay sa ginawang pagbasura ng Comelec Second Division ang petisyon na kanselahin ang certificate of candidacy (COC) ni presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. para sa Eleksyon 2022 dahil sa kawalan ng merito. […]
-
Paghahanda sa posibleng pag-alburoto ng Bulkang Taal, hinuhusto na ng DILG at lokal na pamahalaan
NGAYON pa lamang ay hinuhusto o kino-kompleto na ng lokal na pamahalaan sa tulong ng DILG, PNP at Bureau of Fire Protection ang paghahanda sa mga munisipyo at siyudad na nakapalibot sa Bulkang Taal. Ito ang iniulat ni DILG Secretary Eduardo Año kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Talk to the People, Lunes ng […]